Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Sharon admits she went through mid-life crisis

Sharon admits she went through mid-life crisis

SHARON Cuneta

SOBRANG emotional si Sharon Cuneta sa posts niya sa kanyang Facebook account. Depress-depressan ang megastar at aniya, nagpabaya siya sa kanyang sarili, kaya tumaba siya. May pinagdaanan siyang mid-life crisis at hindi niya alam kung paano harapin ’yun.

Naging rebelde at pasaway siya. Naging inconsiderate, naka-offend at nawalan ng respeto sa oras ng ibang tao na dati niyang iginagalang.

Nagagalit siya sa kanyang sarili dahil pinabayaan niyang tumaba siya, kaya nalimitahan ang kanyang role sa ilang pelikulang ginawa niya.

Sabi na nga ba’t may pinanggagalingan ang pagpatol noon ni Sharon sa kanyang bashers. Epekto ’yun ng pinagdaanan niyang mid-life crisis. She is 48 years old.

Bahagi ng Facebook post ng megastar: “It has taken me a while to take stock of my life and what has happened to me in the last few years. I will not make any promises to you this time. But this I can say, I am going back to basics. More on what I mean in the coming weeks.”

Ibig kayang sabihin ni Sharon ay kakaririn na niya ang pagpapapayat? Pwede pa naman siguro dahil sa modern technology ngayon ay maraming paraan sa pagbabawas ng timbang.

Professional
Sobrang believe kami kay Christopher de Leon sa pagiging very professional niya sa trabaho. Hindi biro ang ginagawa niyang paroo’t parito sa United States at Pilipinas para dalawin ang anak niyang si Miguel na naka-confine sa California Pacific Medical Center. May testicular germ cancer ito at nag-a-undergo ng series of treatments at chemotherapy sessions.

Ilang araw lang namamalagi sa US si De Leon at bumabalik agad siya sa Pilipinas para mag-taping ng “Ikaw Lamang.” Pag may libreng araw, punta uli siya sa US na para bang Quiapo at Divisoria lang ang distansiya.

Sa kabila ng matinding pinagdaraanan, nakaka-deliver nang maayos si Christopher sa kanyang karakter bilang Franco. Wala siyang ibinibigay na problema sa production staff and his co-workers sa “Ikaw Lamang.” Kaya naman sobrang believe at respeto sa kanya ng mga katrabaho niya.

Grabe!
Ayon sa mga nakapanood ng pangalawang sex video scandal ni Paolo Bediones with a non-showbiz girl, mas grabe raw ito kumpara sa unang sex video ng TV host-news anchor na lumabas.

Subalit tila buo pa rin ang suporta ng TV5 at pinaninindigan ng pamunuan na labas sa pagiging news anchor ni Paolo ang kanyang personal life. As of press time, patuloy pa ring napapanood si Bediones sa mga programa niya sa Kapatid Network.

May mga taong nakakausap kami na nagsasabing kapag pinapanood nila si Paolo sa TV, ang nasa isip nila’y ang sex video scandal nito. May mga nagmumungkahing dapat daw ay mag-leave muna sa kanyang trabaho ang TV host-news anchor habang kainitan pa ang kontrobersiya. Palamigin daw sana muna ni Paolo ang isyu. Ano na kaya ang posisyon ngayon ng TV5?

comments