Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Tacloban bumabangon na – Mayor Alfred

Tacloban bumabangon na – Mayor Alfred

Alfred Romualdez and Cristina Gonzales

SA kabila ng busy schedules ng mag-asawang Tacloban Mayor Alfred Romualdez at Councilor Cristina Gonzalez- Romualdez, naisingit pa rin nila ang makipag-bonding sa entertainment press. Kahit kasi wala na siya sa showbiz, nananatiling malapit kay Councilor Cristina ang entertainment press.

Over dinner sa Patio Victoria sa Intramuros, Manila na pag-aari ng Romualdez couple, masaya nilang ibinalitang ten months after nasalanta ng bagyong Yolanda ang Tacloban, unti-unti nang nakakabangon ang mga Taclobanons. Ayon kay Mayor Alfred, gumaganda na ang takbo ng mga negosyo at ’andu’n ang willingness ng mga kababayan nilang ibalik sa normal ang kanilang mga buhay.

Aniya pa, bagaman maraming donasyon mula sa ibang bansa, hindi raw ‘yun dumaan sa kanila. Mahirap na nga lang daw magsalita. Nagtatanong daw ang mga Taclobanons kung saan napunta ang maraming pera na dapat ay para sa kanila. Maraming isyu ang pinag-aaralan nila at kinailangan niyang ipaliwanag sa mga tao, ayon kay Mayor Alfred.

Basta aniya, tuluy-tuloy pa rin ang pagtulong nila sa mga Taclobanons sa basic needs ng mga ito. Priority nila ang mabigyan ng maayos na matitirahan ang mga ito.

Pinaghahandaan din nila ang pagdalaw ni Pope Francis sa Tacloban sa January 2015. “It’s a blessing to all of us,” said Mayor Alfred.

Gusto pa ring mag-showbiz
Natanong naman si Councilor Cristina kung may balak pa ba siyang bumalik sa showbiz? Aniya, kung may magandang offer at depende sa kanyang schedule at sitwasyon. Okey naman daw sa kanyang husband kung gusto niyang magbalik-showbiz. “Kaya lang, priority ko ang pagtulong ko sa mga Taclobanons na muli silang makabangon,” sambit ng konsehala.

May dalawang anak na babae sina Mayor Alfred at Konsehala Cristina, sina Sofi a at Diana, 14 and 10 years old, respectively.

Ayon kay Konsehala Cristina, musically inclined si Sofia. Marunong itong tumugtog ng gitara at piano. Nagmana lang si Sofia sa kanyang mommy Cristina na noong kapanahunan nito’y kumakanta rin.

Ang dating matinee idol na si Jose Mari Gonzales na daddy ni Cristina ay singer din noong araw at may-ari ng isang recording company. Naka-love team noon ni Jose Mari si Susan Roces.

May anak sa previous relationship si Mayor Alfred, si Raymond na boyfriend ng Kapuso star na si Gwen Zamora. Ani Mayor Alfred, tanggap niya ang relasyon ng mga ito. “She’s (Gwen) very nice. My son is very good to her. He’s a good influence,” wika ni Mayor Alfred.

Itinanggi
Kung inamin ni Tom Rodriguez na nililigawan niya si Carla Abellana, todo-tanggi naman si Sam Milby na nililigawan niya si Shaina Magdayao. May mga sightings ang dalawa, pero ani Sam, HOHO (Hangout, hangout) lang sila kasama ang common friends nila.

Never pa raw silang lumabas na silang dalawa lang ni Shaina, pagdidiin ni Sam. Pero aniya, two years ago, gusto niya itong ligawan. Nahiya lang siya.

Kaya pala, may pahayag si Shaina na si Sam na lang ang tanungin kung nanliligaw ito sa kanya ngayon. Ayaw niyang maging assuming. Oo nga naman!

comments