Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Ex-flames Robin, Vina magtatambal muli

Ex-flames Robin, Vina magtatambal muli

Heart Evangelista and Chiz Escudero

FINALLY, nag-propose na rin ng marriage si Senator Chiz Escudero kay Heart Evangelista. Engaged couple na rin sila . Ang BFF (best friends forever) ni Heart na sina Lovi Poe at Alessandra de Rossi ang nag-post sa kani-kanilang Instagram accounts sa ginawang marriage proposal ni Sen. Chiz kay Heart na gina nap sa isang private place sa Sorsogon kung saan tagaroon ang senador.

Dalawa ang nakita naming singsing sa daliri ni Heart na ‘yung isa’y heart-shaped. Simple, solemn ang engagement announcement na sinaksihan ng mga taong malalapit kina Sen . Chiz at Heart. May fireworks display pa.

Kasama ni Lovi ang boyfriend niyang si Rocco Nacino na nag-post din sa kanyang IG ng marriage proposal ni Sen. Chiz. Kailan naman kaya ang wedding?

VINA MoralesBalik-tambalan
Balik-tambalan sina Robin Padilla at Vina Morales sa “Andres Bonifacio: Ang Unang Pangulo.” Official entry ito sa 2014 Metro Manila Film Festival.

Huli silang nagtambal sa ” Di Pwedeng Hindi Pwede.” Kung tama ang pagkatanda namin, comeback movie ‘yun ni Robin matapos siyang makalaya sa bilangguan several years back. Prodyus ‘yun ng FLT Films ni Mommy Rose Flaminiano.

Kumusta na kaya siya at nasaan na siya ngayon?

Nai-post ng singer-actress kanyang Instagram account ang balik-tambalan nila ni Rob “Andres Bonifacio.” Ani Vina excited na siyang simulan ang shooting nito. Gaganap siya bilang Orang at kasama sa cast sina Jun Jun Quintana at Richard Quan. Mula sa direksiyon ni Enzo Williams.

Pinasalamatan pa ni Vina sa kanyang IG si Mariel Rodriguez-Padilla, misis ng ex-boyfriend niyang si Robin.

Siguro naman, hindi pagseselosan o kaiinsekyuran ni Mariel si Vina. Past is past! Knowing Robin, sobrang maalaga siya sa mga nakakatrabaho niyang leading lady. Reyna kung tratuhin niya, kaya asahang gano’n ang gagawin gagawin niya kay Vina, lalo pa’t nagkaroon sila ng “something” noon.

Bantay-bantay lang, Mariel! Intrigahin ba?

KRIS BernalKilig-kiligan
Ang aga namang publicity stunt para sa kanilang teleserye ang kilig-kiligan effect ni Kris Bernal kay Dennis Trillo. Magkasama sila sa “Hiram na Alaala” at ayon kay Kris, kapag magkaeksena sila ni Dennis ay nahihiya siya at hindi siya makatingin ng diretso sa mga mata ng Kapuso actor.

Si Dennis pa naman, madaling madebelop sa mga nagiging leading lady niya. Nagka-in love-an sila ni Jennylyn Mercado noong nagtambal sila sa isang afternoon drama ng GMA7.

Gano’n din ang nangyari kina Dennis at Bianca King noong nagkatrabaho rin sila sa isang teleserye. Tingnan nga natin kung magkakaroon ng “something” sina Dennis at Kris ngayong magkatrabaho sila sa “Hiram na Alaala.”

comments