Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Dong-Marian, Chiz-Heart: Kanino’ng mas bonggang wedding

Dong-Marian, Chiz-Heart: Kanino’ng mas bonggang wedding

heart and chiz

Pinagkukumpara ang engagement rings nina Marian Rivera at Heart Evangelista na bigay ng kani-kanilang fiancé na sina Dingdong Dantes at Senator Chiz Escudero.

Ayon sa pro-Heart, mas maganda ang engagement ring niya. Sadya pa raw ibinagay sa pangalan niya ang heart-shaped engagement ring niya.

Gusto namang alamin ng mga maka-Marian kung magkano ang engagement ring ni Heart? ’Yung kay Marian, balitang worth R4 million, bagaman hindi ’yun kinumpirma ni Dingdong.

Gawin bang isyu ang halaga ng engagement rings ng dalawang Kapuso stars?

Pinagkumpara rin ang paraan ng marriage proposals nina Dingdong at Sen. Chiz. ’Yun daw kay Dingdong, on national TV at showbiz na showbiz, samantalang ’yung kay Sen. Chiz, done in private na intimate friends lang nila ni Heart ang naging saksi.

Inaabangan din kung alin daw kaya ang mas bonggang wedding? Dingdong-Marian or Chiz-Heart?

Who’s next?
Pare-pareho nang happy ang lovelife ng mag-BFF (best friends forever) na sina Heart Evangelista, Lovi Poe at Alessandra de Rossi. Engaged na si Heart. Kailan naman kaya magpo-propose ng marriage si Rocco kay Lovi?

Kahit wala pang opisyal na pag-amin si Alessandra na boyfriend niya si Sid Lucero, people in the know ang nagkukumpirmang may “something” na sila. Tanggap naman si Alex ng mga Eigenmann at welcome siya sa pamilya ng mga ito.

Sino kaya kina Lovi at Alex ang susunod kay Heart? For sure, kabilang ang dalawa sa magiging secondary sponsors sa wedding nina Sen. Chiz at Heart.

Dahil Kapuso star din si Heart, nagtatanong ang kanyang fans kung suportado rin daw ba ng GMA7 ang wedding nila ni Sen. Chiz? Gawan din daw ba kaya sila ng billboard gaya ng “Royal Engagement” nina Dingdong at Marian?

“Bakit? Royal couple ba sina Sen. Chiz at Heart? Sino ba ang Kapuso Primetime King and Queen?” pagmamaasim ng isang nakausap namin.

Na-motivate
Naging motivation kay Louise delos Reyes ang mga pamumuna sa kanyang pananaba. Sa halip na ma-depress, na-inspire si Louise na magpapayat. Sana, ganoon ang naging attitude ni Sharon Cuneta. Hindi niya sana pinabayaang tumaba siya nang husto na naging sanhi ng kanyang depression.

Si Louise, kinakarir ang pagpapapayat. Nagmu-muay thai boxing siya ngayon. Determinado siyang magbawas ng timbang para hindi maging lumba-lumba ang katawan niya.

Sana gayahin ni Pauleen Luna si Louise. Kapansin-pansin ang pananaba ni Pauleen. Watch her sa “Eat Bulaga,” ang taba-taba niya ngayon.

comments