Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Super proud lolo wife

Super proud lolo wife

German Moreno

SUPER proud lolo si German “Kuya Germs” Moreno sa apo niyang si Luis Gabriel Moreno na Gold medalist sa Nanjiing 2014 Youth Olympic Games. Sa larong archery nanalo si Gabriel na ka-tandem niya ang Chinese archer na si Li Jiaman sa Mixed International team event. Tinalo nila ang tandem mula sa Malaysia at Germany.

Anak si Gab ni Federico Moreno na anak ni Kuya Germs at Shiela Magdayo na kapatid naman nina Shaina Magdayao at Vina Morales. Sixteen years old si Gab na siya ring naging flag bearer ng Pilipinas noong opening ceremony ng Nanjiing 2014 Youth Olympic Games.

Dumating si Gab noong Biyernes (Aug. 29) at sinalubong siya sa Ninoy Aquino International Airport ni Kuya Germs. Anang Master Showman, ilalagay niya ang pangalan ng kanyang apo sa Walk of Fame Philippines dahil sa malaking karangalang ibinigay ni Gab sa Pilipinas. Congratulations, Gab!

danica sotto pingrisProud wife
Super proud wife naman si Danica Sotto-Pingris sa husband niyang si Jean Marc Pingris. Pinarangalan ito ng PBA Press Corps bilang Defensive Player of the Year. Miyembro si Marc ng Gilas Pilipinas basketball team at kasalukuyang nasa Spain ang koponan para sa ginaganap na 2014 FIBA World Cup.

Dahil wala sa bansa si Marc, si Danica ang tumanggap ng parangal para sa kanyang husband. Nami-miss na nga raw niya ito. Since July ay nasa Spain ang Gilas Pilipinas team.

Isa pang dahilan kung bakit masaya si Danica for her husband ay dahil nagkita na rin si Marc and his French dad. Si Danica ang nag-effort hanapin ang daddy ni Marc sa pamamagitan ng pag-search niya sa internet.

Double celebration
Sa Feb. 14 next year diumano ang kasal nina Senator Chiz Escudero at Heart Evangelista. Itataon daw ’yun sa 30th birthday ng Kapuso actress.

Sa Balesin Island, Quezon diumano ang venue. Private place ’yun na only the rich and famous can afford. May instant children agad si Heart. May dalawang anak (twins) si Senator Chiz sa frist wife niyang si Kristine Flores na girlfriend ng former dancer na si Jason Zamora ng Manoeuvres.

Palitan
Nawala man si Iza Calzado sa cast ng “Andres Bonifacio” bioflick topbilled by Robin Padilla, kasama naman siya sa “Maria Leonora Teresa” ng Star Cinema.

Pinalitan ni Iza si Judy Ann Santos. Pero bago tinanggap ni Iza ang offer ng Star Cinema, nagpaalam muna siya kay Juday out of respect.

Si Vina Morales naman ang pumalit kay Iza sa “Andres Bonifacio” movie na entry sa 2014 Metro Manila Film Festival. Mismong si Mariel Rodriguez ang nag-suggest sa asawa niyang si Robin Padilla na si Vina ang kunin nitong leading lady.

Si Mariel sana ang choice ni Robin na ipalit kay Iza, pero pupunta ito sa United States. Magsisimula na ang shooting next month at ayaw ng production team na hintayin pa si Mariel kahit si Robin pa ang producer.

comments