Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Sid at Alex, sana magtagal

Sid at Alex, sana magtagal

Sid Lucero copy

LADIES in waiting sa marriage proposals ng kani-kanilang boyfriends sina Toni Gonzaga (direk Paul Soriano), Angel Locsin (Luis Manzano), Pauleen Luna (Vic Sotto), Angelica Panganiban (John Lloyd Cruz), Bea Alonzo (Zanjoe Marudo), Anne Curtis (Erwan Heussaff), Solenn Heussaff (Nico Bolzico), Alessandra de Rossi (Sid Lucero), and who else?

Pinakaaabangan sina Toni at direk Paul, Angel at Luis. Matagal na ang relasyon nina Toni at direk Paul, samantalang love is lovelier the second time around for Luis and Angel. Sa isang interbyu, sinabi ni Edu Manzano na mas magugulat siya kapag hindi nag-propose ng kasal ang anak niyang si Luis kay Angel.

Ani Edu, sakaling magdesisyon si Luis na magpapakasal na sila ni Angel, okey sa kanya at walang problema. Tanggap niya si Angel. Alam niyang magiging mabuting asawa’t ina ito dahil mapagmahal at maalaga sa pamilya nito, lalo na sa daddy nito.

Wala ring magiging problema si Angel kay Governor Vilma Santos-Recto. Tanggap na tanggap din siya ng kanyang future mother-in-law. Kailan nga ba talaga ang altar date nina Luis at Angel?

HOHO
Hindi kasama si Shaina Magdayao sa cast ng isang pelikula ni Sam Milby na malapit nang ipalabas. Pero ang aktres ang parating itinatanong kay Sam ng mga nakakausap niyang reporter.

Wala namang mapiga kay Sam at paulit-ulit niyang sinasabi na friends lang sila ni Shaina. Hindi niya ito nililigawan. Hindi sila exclusively dating at HOHO (Hangout, Hangout) lang sila kasama ang kanilang common friends. Enjoy-enjoy lang!

Dahil kaya kay Piolo Pascual, kaya hesitant siyang ligawan si Shaina? Friends kasi sina Piolo at Sam at anang huli, walang kinalaman ang pagiging magkaibigan nila ni Piolo at hindi ito sagabal sakaling ligawan niya si Shaina.

He is just taking his time, ayon pa kay Sam. Teka lang, hindi kaya Jessy Mendiola Part 2 si Shaina? Pa-cute lang noon si Sam kay Jessy. Kilig-kiligan naman ang dalaga at may pahayag pa noon si Jessy na nag-e-effort si Sam alamin ang whereabouts niya. But then, hindi naman nag-pursue si Sam at unti-unti silang nawalan ng communication.

Alessandra de Rossi

Happy heart
So, open na si Alessandra de Rossi sa relasyon nila ni Sid Lucero. Nagpo-post na si Alex tungkol sa kanila at mukha namang masayang-masaya ang mundo ngayon ng Kapuso actress. Kulay rosas ang paligid ngayon ni Alex. Aminin!

Wala namang dahilan para itago nina Alex at Sid ang kanilang relasyon. Hiwalay na si Sid kay Bea Lao (member ng bandang General Luna) at ina ng kanyang anak na si Halo. Hindi pwedeng akusahang mang-aagaw ng boyfriend o partner si Alex. Wish lang ng concerned friends niyang pang-matagalan na ang relasyon nila ni Sid. Sana nga!

Marespeto
Hindi mahilig sa nightlife si Daniel Padilla, hindi tulad ng ibang kabataang ka-edad niya. He is 19 years old. Mas gusto pa niyang nasa bahay lang siya pagkatapos ng kanyang trabaho. Iwas-basag-ulo nga naman.

Mga sasakyan ang hilig ni Daniel. Okey lang ‘yun sa kanyang mama (Karla Estrada). Katwiran ni Karla, nagpapakahirap sa pagtatrabaho ang anak niya, kaya deserve naman nito ang bumili ng matipuhang sasakyan. Kesa naman, masamang bisyo pa ang mapagtuunan ni Daniel.

Believe rin kami sa magandang pagpapalaki ni Karla kay Daniel. Disiplinado at marespeto ito sa kanya at sa ibang tao. Sa kabila ng tinatamasang kasikatan, nananatiling mapagkumbaba si Daniel. Paulit-ulit kasi ang pagpapaalala ni Karla.

comments