Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Heart ayaw munang magka-baby

Heart ayaw munang magka-baby

SHARON-Cuneta2

HAPPY Network ang TV5, pero mukhang hindi naging happy si Sharon Cuneta kaya umalis na siya sa naturang network. Hindi na tinapos ng megastar ang five-year contract niya na may natitira pang dalawang taon. Could it be mega ang dahilan?

Mukha namang walang balak idemanda ng TV5 si Sharon for breach of contract. Sa official statement nito, nagpasalamat pa ang management kay Sharon for being part ng Kapatid Network for three years.

Sa post niya sa kanyang social media account, may pahiwatig si Sharon na may malaking project na “niluluto” para sa kanya. Curious ang kanyang fans kung babalik daw ba si Sharon sa ABS-CBN? May pahiwatig din ang megastar na pinagsisihan niya ang desisyong umalis sa Kapamilya Network.

HEART Evangelista2

Ayaw munang magka-baby
Ayaw muna ni Heart Evangelista magka-baby agad sila ni Senator Chiz Escudero pagkatapos ng kasal nila on Feb. 14 next year. Aniya, gusto muna niyang mag-aral magluto, i-enjoy ang pagiging misis at pag-aalaga sa kanyang husband.

Hindi pa siya talaga handa maging isang ina. “Maybe after five years,” ewan kung seryoso o birong sabi ni Heart.

Intimate, simple wedding ang gusto nina Heart at Sen. Chiz dahil ayaw nilang maging circus ang big event sa buhay nila.

Kasama sa wedding entourage ang BFF (best friends forever) ni Heart na sina Lovi Poe at Alessandra de Rossi at ang kambal na anak ni Sen. Chiz sa kanyang first wife na si Kristine Flores. Kakausapin (o, baka nakausap na) pa lang nila si Senator Miriam Defensor-Santiago para maging ninang. Ang senadora ang naging cupid kina Sen. Chiz at Heart. Nagtagumpay siya sa pagiging matchmaker.

Hoping si Heart na ang daddy niya ang maghahatid sa kanya sa altar. Pero kung anuman ang maging desisyon nito, maiintindihan niya. Ang mahalaga’y ibinigay nito ang blessing para magpakasal siya kay Sen. Chiz. Nagkausap na rin si Heart and her mom at may blessing din nito ang kanyang pagpapakasal.

Wala pang pormal na pamamanhikan si Sen. Chiz sa parents ni Heart. Wala ang mga ito noong nag-propose siya ng marriage kay Heart. Even then, ang mahalaga’y may blessing ng parents ni Heart ang pagpapakasal niya kay Sen. Chiz. Ayon sa huli, si Heart ang masusunod sa lahat ng detalye sa kanilang wedding.

Mas aligaga
Between Dingdong Dantes and Marian Rivera, mas aligaga ang Kapuso Primetime King sa paghahanda para sa kasal nila on Dec. 30 this year. Gustong matiyak ni Dingdong na everything’s okey at naaayon sa mga plano nila ng kanyang soon-to-be wife ang magaganapsa kanilang big day.

Kahit may wedding planner sila, hands-on pa rin si Dingdong sa bawat detalye ng kasal nila ni Marian. Anang Kapuso Primetime Queen, hindi siya kinakabahan kundi mas excited siya sa mga paghahandang ginagawa nila para sa kasal nila ni Dingdong.

Hindi raw niya akalaing ganoong karami ang mga dapat asikasuhin. Kailangan niyang magpabinyag muli sa Simbahang Katolika dahil hindi nire-recognize ang binyag niya sa Spain. Sino-sino naman kaya ang magiging godparents ni Marian?

comments