Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Gabby’s love note for dad Mark

Gabby’s love note for dad Mark

Gabby Eigenmann

BLUE Monday sa mga taga-showbiz ang Sept. 1 sa pagpanaw ni Mark Gil. Unang araw ng “ber” month, unang araw ng buwan ng Setyembre at first day of the week, sad news agad. Our condolences sa mga naulila ng magaling na aktor.

Bumuhos ang maraming simpatiya mula sa mga kasamahan ni Mark sa industriya. Nawalan na naman ang showbiz ng isang magaling na aktor. Huling napanood si Mark sa “The Legal Wife” sa ABS-CBN.

Isa si Gabby Eigenmann sa mga anak ni Mark at touching ang post nito sa kanyang Instagram account: “And so you held my hand in yours just like you did when I was young. But then you held it to your heart just as you slowly slipped away. Today I said goodbye to you Dad. I said the last I love you that you would hear. Fly free with the Lord. Fly free without pain. No worries, no problems, just love.

MARK Gil

“Thank you for everything you have done for me and the family. Thank you for the legacy you have left behind. You will be forever in our hearts, till we meet again.”

For over a year or two, inilihim ng pamilya ni Mark ang tunay niyang kalagayan. Liver cirrhosis ang ikinamatay niya.

Bukod kay Gabby na anak ni Mark kay Irene Celebre, ang iba pang showbiz children ni Mark ay sina Sid Lucero at Max Eigenmann (mother is Bing Pimentel) at Andi Eigenmann (mother is Jaclyn Jose). Kapatid ni Gabby kay Irene si Ira na dati ring artista. May isang anak si Mark sa non-showbiz wife niyang si Maricar Jacinto.

Kapatid naman ni Mark sina Michael de Mesa at Cherie Gil. Sina Eddie Mesa at Rosemarie Gil ang kanilang parents.

Naiirita na?

Hindi lang nagpapahalata, pero naiirita na rin siguro si Toni Gonzaga sa pangungulit sa kanya kung kailan kaya sila magiging engaged couple ng boyfriend niyang si direk Paul Soriano. Halos mga ka-edad niya sina Marian Rivera at Heart Evangelista na engaged na kina Dingdong Dantes at Senator Chiz Escudero, respectively.

Sa Dec. 30 this year ang kasal nina Dingdong at Marian. Sa Feb. 14 next year naman sina Heart at Sen. Chiz. Ikakasal din sa December this year si Bianca Gonzales sa basketbolistang si JC Intal. Nearing 30 na rin si Bianca.

Turning 31 na si Toni sa birthday niya sa January next year. Nasabi tuloy ni Toni sa isang interbyu na baka bago siya mag-menopause ay makatanggap siya ng marriage proposal. Ano’ng malay natin, baka anytime soon ay sorpresahin na lang si Toni ng kanyang boyfriend. Baka pinag-iisipan nito ng bonggang-bongga ang gagawing marriage proposal.

Ayaw pa
Turning 30 na si Anne Curtis sa birthday niya in February next year. Pero aniya, hindi pa siya handang magpakasal. Maybe after three or four years pa raw. By that time, 34 years old na si Anne.

Between now and the next four years, marami pa ang pwedeng mangyari sa relasyon nila ni Erwan Heussaff. Sabi ni Anne, for now, pareho pa silang busy ni Erwan sa kanilang respective jobs. Siya (Anne) bilang artista at si Erwan, busy sa kanyang restaurant business.

Gusto nang mag-asawa
Mukhang magpapakasal na rin si Cristine Reyes. She’s 25 years old at aniya, nasa marrying age na siya. Hindi kaya maunahan pa niya ang kanyang Ate Ara Mina? Pregnant ito sa first baby nila ni Mayor Patrick Meneses at mukhang hindi pa napag-uusapan ng mga ito ang pagpapakasal. Priority nila ang coming baby nila.

Sa isang interbyu kay Cristine, sinabi niyang may mga plano na sila ng boyfriend niyang si Ali Khatibi. Isa itong mixed martial arts fighter.

Mukhang feeling ni Cristine ay natagpuan na niya si Mr. Right. Handa siyang isakripisyo ang kanyang career at ayaw na niya ng sexy role. Tinanggihan niya ang isang teleserye ng ABS-CBN dahil sexy role ’yun.

comments