Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Talent nag-aalisan, di na happy sa TV5?

Talent nag-aalisan, di na happy sa TV5?

WIFEY na wifey (as in wife) ang dating ni Marian Rivera na kasama ng fiance niyang si Dingdong Dantes noong nanumpa ang Kapuso Primetime King sa Malacañang bilang Commissioner-at-Large ng National Youth Commission. Kasama rin ng aktor ang kanyang parents at para talagang official member na ng pamilya Dantes si Marian.

Sabagay, barely four months na lang naman at magiging ganap na Mrs. Dingdong Dantes na si Marian. Sa Dec. 30 this year ang kanilang wedding.

Si President Noynoy Aquino ang nagtalaga kay Dingdong bilang Commissioner-at-Large ng NYC. Hindi kaya kinausap na rin siya nina Dingdong at Marian para maging ninong nila sa kasal?

Magbabakasyon muna si Marian sa kanyang “Marian” show para asikasuhin ang nalalapit na kasal nila ni Dingdong. Nangako naman ang Kapuso Primetime Queen na every Saturday ay magbibigay siya ng update sa kasal nila ni Dingdong. Abangan na lang kung sino ang pansamantalang papalit kay Marian bilang host.

Boy Abunda

In pain pa rin
Indefinite pa rin kung kailan babalik si Boy Abunda sa “Aquino & Abunda Tonight” at sa “The Buzz.” May tsikang diumano’y papalitan na ang hosts ng AAT na siyempre, iibahin na ang title.

Dapat siguro magbawas ng work load si Boy para less stress. Twenty pounds ang nabawas sa kanyang timbang noong na-confine siya sa hospital for two weeks. Successful naman ang operation sa kanya para tanggalin ang nana sa kanyang liver.

May regular checkup siya dahil in pain pa rin siya dahil sa ginawang aspirate procedure. Ayon sa ilang taong malalapit kay Boy, walang dapat ipag-alala dahil okey na ang kalagayan niya at nagpapahinga lang siya. Huwag daw maniwala sa mga sabi-sabi ng ibang tao na nagkakalat ng kung anu-ano’ng kuwento tungkol kay Boy.

Nag-aalisan
Naka-leave nga lang ba si Paolo Bediones sa TV5 o tinanggal na siya? Hindi na siya napapanood sa kanyang news program. As of presstime, wala pang official statement ang Kapatid Network hinggil sa pagkawala ni Bediones.

Noong pumutok ang sex video scandal niya, agad may statement ang TV5 na suportado pa rin siya ng network. Nang lumabas ang ikalawang sex video scandal ni Paolo, tahimik lang ang Kapatid Network.

Sharon Cuneta

Hindi naman big issue ang pag-alis ni Sharon Cuneta sa TV5 dahil pinasalamatan pa siya ng network sa pagiging bahagi niya sa loob ng tatlong taon.

AGA Muhlach

Mukhang isa-isa nang nag-aalisan ang mga “recruit” ng TV5. Nauna na si Eric Quizon. Sumunod si Aga Muhlach na tinapos naman ang kanyang kontrata. Umalis na rin si JC de Vera.

EDU Manzano

’Heard, aalis na rin daw si Edu Manzano pagkatapos ng kanyang kontrata. What about Ogie Alcasid and Derek Ramsay? Tatapusin din lang kaya nila ang kanilang kontrata at aalis na rin sila sa Happy Network? Abang-abang na lang pag may time.

CRISTINE Reyes

Buntis?
Walang pang confirmation, wala pang denial si Cristine Reyes sa tsikang diumano’y pregnant siya. May ispekulasyon ang ibang tao sa kanyang kalagayan dahil ayaw na niya ng sexy role.

Sinabi pa niya sa “The Buzz” na may mga plano na sila ng kanyang foreigner boyfriend. Ayon pa kay Cristine, nasa marrying age na siya. She’s 25 years old.

Knowing Cristine na prangka at honest, sasabihin naman niya ang totoo kung buntis nga siya o hindi. Hindi kaya nainggit siya sa kanyang Ate Ara Mina na pregnant ngayon? Joke!

comments
  • Mel

    Ito ang abangan natin isasara na ang TV 5, Soooooooooooooooooooooooooon.

  • Dyndin

    Alden Richard is super boring.