Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Christian superstar sa Indonesia

Christian superstar sa Indonesia

HEART Evangelista

SA Feb. 15, 2015 na ang kasal nina Senator Chiz Escudero at Heart Evangelista sa Balesin Island, Quezon. Dapat sana’y Feb. 14, pero nagkaroon ng isyu dahil ‘yun din pala ang wedding date nina Cessca Litton at Tyke Kalaw sa nasabing lugar.

Nagpaliwanag ang may-ari ng Balesin island-resort na si Mr. Bobby Ongpin na siya mismo ang nagimbita kina Sen. Chiz at Heart na doon sila magpakasal. Tsinek pa niya sa kanyang staff kung may naunang reservation on Feb. 14. Wala, kaya pina-block off niya ang naturang petsa.

Tuloy ang kasal nina Cessca at Tyke on Feb. 14, pero iba na ang venue. Coincidence na parehong ex-girlfriends ni Jericho Rosales sina Heart at Cessca. Last May this year ikinasal si Jericho kay Kim Jones.

Birthday ni Heart on Feb. 14 at Valentine’s Day pa, kaya a day before their wedding, ‘andun na sila ni Sen. Chiz sa Balesin Island para sa double celebration ng kanyang 30th birthday at Valentine’s Day.

CHRISTIAN BautistaSuperstar
Superstar talaga si Christian Bautista sa Indonesia. Successful ang mga show niya roon kamakailan na talagang jampacked ang venues na pinagtanghalan niya. Nag-concert si Christian sa Banjarmasin City sa Dynasty Aria na dinaluhan ng kanyang Indonesian fans. Nag-perform din siya sa Prive Club sa Harris Suites sa FX Sundiman building sa Jakarta. Nakipag-duet pa siya ng Indonesian version ng “Please Be careful with My Heart” sa isang special fan.

Nagtanghal din si Christian sa Queen Rose sa Bandung kung saan naroon ang maraming universities. Kuwela ‘yung inalis ni Christian ang kanyang necktie at inihagis sa audience.

Soon ay iri-release ng Universal Records ang bagong album ni Christian. Ilo-launch ito sa SAS (“Sunday All Stars”).
Stars”).

Suspense-thriller
Isang suspense-thriller movie ang “A Walk among the Tombstones” na tinatampukan nina Liam Neeson, Boyd Holbrook, Dan Stevens, David Harbour, Adam David Thompson at Brian Bradley. Mula ito sa nobela ni Lawrence Block at tungkol sa isang mahiwagang krimen na naganap.

Isang ex-NYPD cop si Liam bilang Matt Scudder na naging isang unlicensed private investigator. Napilitan siyang magtrabaho kay Dan Stevens para imbestigahan kung sino ang kumidnap at pumatay sa asawa nito. Serial killers sina David Harbour at Adam David.

Ang “A Walk among the Tombstones” ay prodyus ng Jersey Films, Double Feature Rims, Exclusive Media at Cross Creek Pictures. Distributed by Solar Pictures, showing ito on Sept. 19 sa mga sinehan.

comments