Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Rhian’s new love, much older but rich

Rhian’s new love, much older but rich

HINDI isyu kay Iza Calzado kung second choice siya sa role na ginagampanan niya sa “Maria Leonora Teresa.” Original choice si Judy Ann Santos. Pero sa kung ano’ng kadahilanan ay tinanggihan niya ang offer ng Star Cinema.

“Choosy pa ba ako? Eh, trabaho ’yun. Buti nga, may ibinibigay,” sambit ni Iza sa presscon ng MLT. Lungkut-lungkutan lang siya dahil aniya, wala na ang daddy niya (the late choreographer Lito Calzado). Kung nabubuhay pa sana raw ito, he must be super happy and proud of her.

At the rate things are going sa career ni Iza, thankful siya sa maraming trabahong ibinibigay sa kanya.

Aniya, nami-miss niya ang kanyang daddy. Pero alam naman daw niyang ginagabayan pa rin siya nito.
“Nararamdaman kong hindi ako pinababayaan ni daddy,” ani Iza.

Ayaw pag-usapan
Hindi napilit ng entertainment press si Jodi Sta. Maria na magsalita tungkol sa relasyon nila ni Cavite Vice Governor Jolo Revilla. Kasama si Jodi sa cast ng “Maria Leonora Teresa” at aniya sa presscon, ayaw niyang pinag-uusapan ang kanyang personal life. Sana raw ay irespeto ’yun, nakangiti at mahinahong sabi ni Jodi.

Hindi rin niya sinagot ang tanong ng press kung totoo bang nagkakalabuan ang relasyon nila ni Vice Gov. Jolo. Buti na lang hindi nag-walk out si Jodi sa pangungulit ng press. Nagbabasa ka ba, Cristine Reyes?

Walkout Queen ang bansag ngayon kay Cristine dahil nag-walk out siya nang interbyuhin siya ng press noong premiere night ng isang pelikula niya.

Mukhang nagiging irritable these days si Cristine kapag tinatanong siya kung buntis ba siya. May sungit factor siya. Dalawa palang kapatid ni Cristine ang buntis, si Ara Mina at ’yung isa nilang sister. Hindi kaya nainggit sa kanila si Cristine?

RHIAN Ramos

Matanda ang BF?
How true kaya na isang much older guy ang karelasyon ngayon ni Rhian Ramos? From the grapevine, 60 years old daw ang guy at rich ito.

Kung true, pareho sila ni Pauleen Luna na 60 (or 61?) years old din ang boyfriend nitong si Vic Sotto. Parehong mid-20s sina Rhian at Pauleen.

Sabagay, noong nakarelasyon ni Rhian si Mo Twister ay malaki rin ang kanilang age gap. Ganoon din noong nakarelasyon niya si KC Montero na much older din kay Rhian.

And more
Simula na today ng audition para sa “Starstruck VI.” Ang unang 500 registrants sa Metro Manila ang mag-a-audition at kick-off sa SAS (Sunday All Stars). Magsisimula ang audition at 1 p.m. sa Studio 6 ng GMA Annex.

May rewind ng “Ang Dalawang Mrs. Real.” Special 2-part recap ito na mapapanood today at sa Sept. 14 at 12 noon. Babalikan muli ang istorya at ang mga eksena kung paano nagkakilala sina Anthony at Millet, sina Anthony at Shiela. Paano hinarap at tinanggap ni Anthony ang kanyang pagkakamali.

comments