Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Tuloy ang QC filmfest sa November – Mayor HB

Tuloy ang QC filmfest sa November – Mayor HB

Kris Aquino and Herbert Bautista

TULOY na ang Quezon City Film Festival na gaganapin sa November this year. Ito ang ipinahayag ni Mayor Herbert Bautista sa lunch birthday treat niya sa showbiz press na ang birth months ay mula October hanggang December. Nauna na niyang i-treat ang mga birthday celebrator mula January hanggang September.

Ani Mayor HB, itinutuloy lang niya ang kinaugalian ng namayapa niyang mama (Baby Bautista) na noong nabubuhay pa’y sobrang naging malapit sa showbiz press. Press-friendly ang kanyang mama na every now and then ay nag-iimbita ng showbiz reporters sa bahay nila noon sa New York, Cubao, QC.

Ayon pa kay Mayor HB, gusto niyang gawing monthly ang get-together niya with the showbiz press para mas maging madalas ang pagkikita at pakikipagtsikahan niya sa mga ito.

Anyway, ang gaganapinng Quezon City Film Festival ay bahagi ng 75th celebration ng lungsod at maraming naka-line up na activities. This September, gaganapin ang Miss Diamond Jubilee sa AFP Theater at 7 p.m. Sa Oct. 12 naman ay magkakaroon ng isang big event sa Araneta Coliseum kung saan pararangalan ang former QC mayors at iba pang tao kaugnay sa iba’t ibang larangang pinasukan nila.

Joint venture
Ipinahayag din ni Mayor HB na makikipag-co-production venture ang Heaven’s Best Productions (pag-aari ng Bautista siblings, Herbert, Hero at Harlene) sa Viva Films para sa isang pelikulang tatampukan nina Maricel Soriano at Anne Curtis. May gagawin ding isang horror movie at isa pang project possibly with Governor Vilma Santos-Recto. Posibleng gumawa rin si Mayor HB ng isang pelikula.

Hindi rin naiwasang itanong kay Mayor HB kung totoo bang siya ang nagpapadala ng flowers kay Kris Aquino. Nai-post kasi ng huli sa kanyang Instagram account na may nagpapadala ng mga bulaklak sa kanya. Bagaman walang binanggit na pangalan, inakala ng ibang nakabasa na si Mayor HB ’yun. Mariing itinanggi niya ’yun. Aniya, “Hindi ako nagpapadala.”

Naitanong din kay Mayor HB kung hindi ba siya makikiuso sa mga marriage proposal. Aniya, itatanan na lang niya kung sinuman ang babaeng ’yun. He stressed, hindi siya committed and he does not live with anyone else.

Pero aniya, in good terms naman siya sa mga ina ng mga anak niya. May dalawa siyang anak sa dating TV executive na si Eloisa Matias at dalawa kay Tates Gana na kinikilalang mayora ng QC. Magde-debut sa October ang panganay nila na si Athena at 10 (or 11?) years old naman si Harvey na napapanood sa “Goin’ Bulilit” sa ABS-CBN. Nag-aartista rin si Athena at lumabas sa isang pelikula ng Heaven’s Best Productions. Maganda sigurong pagsamahin sa isang project ang mag-aama. How about it, Mayor HB?

Takot sa IG
Wala palang Twitter or Instagram accounts si Mayor HB. Facebook lang daw. Aniya, takot siya sa IG dahil baka raw kapag nag-post siya, baka isiping naglalakuwatsa lang siya.

“Baka naman, may ayaw ka lang i-follow sa IG?” pabirong tanong ng isang reporter. “Wala! Wala!,” nakangiting sabi ni Mayor HB.

Mukha namang totally naka-move on na si Mayor HB sa naudlot na “work in progress” nila ni Kris Aquino. Sabi kasi ni Kris sa “The Buzz,” kapag nagsasalita pa raw tungkol sa isang tao’y hindi pa raw ’yun nakaka-move on, words to that effect.

In fairness to Mayor HB, tinanong kasi siya ng first batch ng showbiz reporters sa birthday treat niya sa mga ito tungkol kay Kris, kaya sinagot lang niya ang mga ito. ’Yun lang ’yun!

comments