Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Sheryl irked old family issue is revived

Sheryl irked old family issue is revived

Bea Binene and Jake Vargas

SINADYA kaya ni Bea Binene maiba ang kulay ng suot niyang damit noong presscon ng “Strawberry Lane?” Red ang motif ng female cast at bukod tanging si Bea lang ang naka-black and white. Siya rin lang ang hinintay bago umpisahan ang open forum.

Bumawi naman si Bea dahil nagpa-raffle siya ng ilang product endorsements niya. Anyway, reunited sila ni Jake Vargas sa “Strawberry Lane” after almost a year. Huling primetime series nila’y “Home Sweet Home.”

Anang reel-and-real life sweethearts, happy sila at thankful sa GMA na together again sila sa isang primetime series.

Anila, kinakabahan sila at may kaunting pressure dahil mataas ang rating ng papalitan nilang show, ang “Nino.” Magsisimula ang “Strawberry Lane” sa Lunes, Sept. 15.

“Basta gagawin namin ang best namin para mapaganda at magustuhan ang show namin. Sana suportahan din kami,” ani Jake.

Kumusta naman ang relasyon nila ni Bea? “Okey. Masaya kami. Kaunti na lang ang selosan at tampuhan. Alam naman ni Bea kung gaano siya ka-special sa buhay ko,” saad ni Jake na nagpakita pa ng kanyang braso na pina-tattoo-an niya ng pangalan ni Bea.

SHERYL Cruz

Affected
Affected si Sheryl Cruz sa isyung diumano’y anak ng kanyang mama Rosemarie Sonora sa yumaong pangulong Ferdinand Marcos si Senator Grace Poe. Matagal nang isyu ’yun at lumutang na naman ngayon.

“Alam ko ang totoo. Respeto na lang sana sa mama at papa ko (the late actor Ricky Belmonte). May mga taong walang magawa kundi manira ng kanilang kapuwa. Sana isipin naman nila ang epekto nu’n sa pamilya ng taong sinisiraan nila. Naiinis ako, pero hinahayaan ko na lang,” words to that effect na sabi ni Sheryl nang nakausap namin sa presscon ng “Strawberry Lane.”

Aniya, hindi pa sila nagkakausap ni Senator Grace hinggil sa isyu. Pero alam niyang alam din nito ang totoo. Deadma nga lang ang senadora at hindi ito nagbibigay ng pahayag. No talk, no intrigue.

Happy naman si Sheryl na balik-GMA siya. She plays Monique sa “Strawberry Lane” na older sister ni Elaine (Sunshine Dizon). Nagkatrabaho na sila sa “Bakekang” sa Kapuso Network din.

Grace Poe

Forty years old na pala si Sheryl, pero she looks younger than her age. Proud siya na wala pa siyang wrinkles kahit may 14-year old daughter na siya, si Ashley Nicole. Mahilig din daw itong kumanta.

Ani Sheryl, papayagan niyang mag-showbiz ang anak niya kapag nakatapos na ito sa pag-aaral. High school student si Ashley sa St. Paul’s College.

Divorced na si Sheryl sa ex-husband niyang si Norman Bustos. Pero may constant communication pa rin ito and their daughter. Kapag school vacation, nagpupunta si Ashley sa US para dalawin ang kanyang papa.

Ikalawang glorya
At 69, hindi akalain ni Boots Anson-Roa na magkakaroon pa siya ng ikalawang glorya. Matagal siyang biyuda ng yumao niyang unang asawang si Pete Roa hanggang nagkatagpo sila ng second husband niya ngayon, si Atty. King Rodrigo, 75 years old at biyudo rin. Ikinasal sila last June this year.

Ayon kay Boots, very loving and caring ito. Parati siyang sinasalubong kapag dumarating siya galing sa taping o shooting. Ipinagbubukas siya ng pinto ng kotse, minamasahe at sinusubuan ng pagkain. Teenagers ang peg?

Alam nilang at their age ay malabo na silang magkaanak at hanggang pangarap na lang ’yun, ayon kay Boots. “Immaculate conception by the power of the Holy Spirit (laughs),” ani Boots sa presscon ng “Strawberry Lane.” She plays Stella, ina nina Sheryl Cruz, Sunshine Dizon at Christian Bautista.

comments