Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Jodi: Sexy mama

Jodi: Sexy mama

JODI STA. MARIA ECHINGERO’T echingera sina Kiko Estrada at Kim Rodriguez. Sabi nila sa presscon ng “Strawberry Lane,” close friends lang sila. Pero may nagbuking na may “something” sila at Bubba ang tawag nila sa isa’t isa.

Ang palusot ni Kim, ginaya lang daw niya ang mommy ni Kiko (former actress Cheska Diaz) na Bubba ang tawag kay Kiko. Si Gary Estrada ang daddy ni Kiko. “Bahkit? Feeling nanay ba siya ni Kiko?” bitchy remark ng isang reporter.

Pagkatapos ng open forum, nakita naming magka-holding hands sina Kiko at Kim. ’Yun ba ang close friends lang?

Again, naintriga ang entertainment writers sa tinuran ni Christian. Ano o sino raw ba ang kinatakutan o iniwasan nina Kiko at Christian noong nasa
ABS-CBN pa sila?

In any case, thankful si Christian na bahagi siya ng “Strawberry Lane.” Aniya, nang lumipat siya sa GMA, hindi lang ang pagiging singer niya ang nailalabas niyang talent. Nadedebelop din ang acting at hosting skills niya.

Binibigyan siya ng acting projects. Gumawa na siya ng isang afternoon drama series at acting-aktingan na naman siya sa “Strawberry Lane.”

Single pa rin siya, ani Christian matapos silang mag-break ng Singaporean girlfriend niya. If and when natagpuan niya si Ms. Right, magpapakasal na siya to have his own family, ani Christian.

Abang-abang na lang pag may time.

Sexy body
Payat-payatan si Jodi Sta. Maria na kabog niya ang ibang dalagang wala pang anak. May mga unwed mother, di ba?

Hindi iisiping nanay na si Jodi ng isang four-year old kid na si Thirdy (anak niya sa ex-husband niyang si Pampi Lacson).

Ang liit ng waistline ni Jodi. Walang bilbil at sakto lang ang porma ng katawan niya sa height niyang 5’3 and a half inches. Ideal din ang kanyang weight na 105 lbs.

Ang sikreto ng slim niyang katawan? Cosmo Body slimming pills na aniya’y iniinom niya twice a day for three years na. Effective endorser si Jodi ng naturang slimming pills na sinasabayan niya ng healthy diet at exercise.

“Simpleng cardio (exercise) lang – running, brisk walking, akyat-panaog sa hagdan. Wala kasi akong time mag-gym,” ani Jodi.

Aniya, safe inumin ang Cosmo Body slimming pills dahil ang components nito’y green tea at L-Carnitine na good sa overall health. In just 7 to 10 days after taking CB pills, mababawasan na ang timbang. Wala itong side effects.

Kailan niya nararamdamang sexy siya? “When I am with my son, Thirdy, with the people I love,” aniya.

Kasama kaya roon si Vice Governor Jolo Revilla? Ngiti lang ang isinagot ni Jodi.

’Heard, okey na uli ang relasyon nila. Natsikang diumano’y nagkakalabuan na sila.

Bati na sila, ayon kay Lolit Solis. Nagkatampuhan lang daw sina Jodi at Vice Gov. Jolo.

Samantala, may premiere night ang “Maria Leonora Teresa” movie ni Jodi on Tuesday sa SM Megamall Cinema 7. Tampok din sina Zanjoe Marudo at Iza Calzado.

comments