Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Mark Herras, feeling daddy

Mark Herras, feeling daddy

MARK Herras

FEELING daddy ni Alex Jazz (anak nina Jennylyn Mercado at Patrick Garcia) si Mark Herras noong 2nd birthday party ni Katie (anak nina Kris Lawrence at Katrina Halili). Kasama ni Mark ang anak niyang si Ada at ang gandang tingnan ng picture na ipinost niya sa kanyang Instagram account na magkakasama sila. May caption pa si Mark na kuya ni Ada si AJ.

Sa isa pang picture, kasama naman sina Yasmien Kurdi with daughter Ayesha at Katrina with daughter Katie. Wala si Jennylyn Mercado dahil nasa London para sa series of shows. Ninong ni AJ si Mark, kaya parang anak-anakan na rin ang turing niya sa bagets.

Sabi nga pala ni Mark, nagsasalita na si Ada. Hindi nga lang daw maintindihan ang sinasabi nito. Ang dami na raw alam ng bagets, kaya tuwang-tuwa siya.

How time flies! Parang kailan lang, magkaka-batch sina Mark, Yasmien, Jennylyn at Katrina sa Starstruck 1. Ngayon, may kanya-kanya na silang anak. Oo nga pala, nasa birthday party ni Katie ang daddy niyang si Kris Lawrence kahit wala na sila ni Katrina kundi friends na lang sila.

Proud sister
Younger sister ni Geneva Cruz si Eliza Cruz, candidate no. 25 sa Miss World 2014 Philippines. Super proud si Geneva sa kanyang kapatid na mas piniling mag-join sa beauty contest, kesa mag-showbiz.

Kilala ang mga Cruz bilang singers, pero gusto raw ni Eliza maiba sa kanilang angkan. May gusto raw siyang patunayan na pwede ring magkaroon ng beauty queen ang mga Cruz. Why not? Abang-abang na lang sa coronation night ng Miss World 2014 Philippines kung ano’ng magiging kapalaran ni Eliza.

Kabog
Kabog ni Ai-Ai delas Alas si Mommy Dionisia Pacquiao. Twenty years old lang ang boyfriend niyang si Gerald Sibayan, samantalang 38 naman ang BF ni Mommy Dionisia na 65 years old na. Turning 50 naman si Ai-Ai sa November. Gusto raw maging piloto ni Gerald, magsi-seaman naman ang BF ni Mommy D.
Si Tia Pusit ay ‘di hamak na mas bata rin sa kanya ang boyfriend. May sakit ngayon si Tia Pusit. Just curious kung sila pa rin ba ng kanyang BF? Binabantayan ba naman kaya siya sa ospital?

At least kay Boots Anson-Roa, hindi nagkakalayo ang edad nila ng second husband niyang si Atty. King Rodrigo, na 75 years old. Sixty-nine naman si Boots.

Sina Pauleen Luna at Rhian Ramos, ‘di hamak na mas matanda naman sa kanila ang respective boyfriends nila. Parehong senior citizens na si Vic Sotto at ang diumano’y non-showbiz BF ni Rhian. In love, age doesn’t matter talaga.

Intimidated
First time nakita nina Anne Curtis at Jasmine Curtis-Smith ang half-sisters nila (father side) nang dumalaw ang mga ito sa may sakit nilang daddy. Naka-confine ito sa St. Luke’s Hospital Global City.

Galing pa sa Canada ang half-sisters nina Anne at Jasmine. Thankful sila na nag-effort ang mga ito pumunta sa Pilipinas para dalawin ang kanilang daddy.

Dumalaw din si Sam Concepcion at civil naman sila ni Anne noong nagkita sila sa hospital, ayon kay Jasmine. By the way, naikuwento ni Jasmine na overwhelmed at intimidated siya kay Nora Aunor na nakatrabaho niya sa “Dementia.”

Sa isang eksenang sisigawan niya ang superstar, hindi niya alam kung ano’ng gagawin niya. Takot na takot siya at nahiya.

“She told me, gawin ko ang dapat gawin. She’s very supportive. It was a wonderful experience working with her,” saad ni Jasmine. “I’m really proud and honored to be part of this movie,” dagdag pa niya. Showing on September 24 ang “Dementia.”

comments