Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Hubad kung hubad

Hubad kung hubad

Tom Rodriguez

Si Michael Cinco ang gagawa ng wedding gown ni Marian Rivera. Naka-base sa Dubai ang renowned Pinoy designer na umuwi sa bansa para sa nakaraang “Bench Fashion Show”.

Ayon kay Marian, fan siya ni Michael at noon pa niya pinangarap na kapag ikakasal na siya, ito ang gusto niyang gumawa ng kanyang wedding gown. Ayon pa sa Kapuso Primetime Queen, minsan lang ikakasal ang isang babae, kaya gusto niyang makapagsuot ng kanyang dream wedding gown na gawa ni Michael.

Sabi pa ni Marian, gusto niyang pagharap sa altar on her wedding day ay disente siyang haharap kay Lord. Less skin ang gusto niyang wedding gown na especially designed for her ni Michael. Ngayon pa lang, inaabangan na ang yari ng bridal gown ni Marian at sana before her wedding day ay ipakita niya ‘yun sa kanyang “Marian” show.

Inaabangan na rin ang announcement nina Marian at Dingdong Dantes ng listahan ng second batch ng kanilang godparents at ang kumpletong listahan ng secondary sponsors, pati na ang venue ng kanilang wedding reception.

Parehas ng design
Still on Marian Rivera, siya ang finale sa nakaraang “The Naked Truth: Bench Denims and Underwear Fashion Show.” Kering-carry ng soon-to-be Mrs. Dingdong Dantes ang pagrampa on stage na naka-pink bra with matching long pink skirt na mahaba ang slit. Oozing with sex appeal pa rin ang fiancèe ni Dingdong Dantes.

Pinagkumpara naman ng social media ang damit nina Marian at Heart Evangelista na naipost nila sa kanilang respective Instagram accounts. Parehong Dolce and Gabbana ang brand ng kanilang dress na halos magkapareho ng kulay at floral designs. Three-fourths sleeves lang ang kay Marian at short sleeves ang kay Heart. Sino raw kaya ang nanggaya? Kanino? Isang tao lang kaya o sa isang branch lang ng D&G ang pinagkunan nina Marian at Heart ng kanilang dress?

DENNIS TRILLO1

Hot pa rin
Nakibalita kami sa mga kaganapan sa “The Naked Truth: Bench Fashion Show” at napag-alaman namin na hot pa rin ang TomDen tandem. Malakas na tilian mula sa audience nang rumampa on stage sina Tom Rodriguez at Dennis Trillo na parehong topless at naka-briefs lang. Kilig-kiligan ang mga baklang nanood na talagang nagpista ang kanilang mga mata sa sexy bodies nina Tom at Dennis.

“Nagmumura” ang kanilang abs na talagang kinarir nila for the past months sa pagwo-workout at pagda-diet. Sabi ni Tom, halos himatayin na siya sa kakakain ng puti ng itlog at kamote lang. Bumawi naman siya pagkatapos niyang rumampa at kumain siya ng marami ng mga paborito niyang food.

Hindi rin nagpakabog si Jake Cuenca na almost naked nang rumampa on stage. Kapiranggot lang ang nakatakip sa kanyang private part.

Hot couple of the night sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati na naghalikan pa on stage. Tinilian pa rin si Coco Martin kahit nakadamit siya at balot na balot ang kanyang katawan. KJ (kill joy) daw si Coco, hinagpis ng mga bading.

Baby girl
It’s a baby girl for Ara Mina and Bulacan, Bulacan Mayor Patrick Meneses. Due date ni Ara sa December, pero wala pa silang naiisip na ipapangalan sa kanilang panganay.

Blooming si Ara noong nag-guest siya sa “The Buzz.”Ang ganda niyang magbuntis. Aniya, magpo-focus muna sila ni Mayor Patrick sa kanilang baby at saka na ang pagpapakasal nila.

Hindi pa rin nasagot ni Ara kung buntis ba ang kapatid niyang si Cristine Reyes. Sa huling pag-uusap daw nila, sinabi ni Cristine na gusto na rin nitong magka-baby. Hindi ito nakarating sa birthday celebration ng kanilang mommy dahil masama ang pakiramdam, ayon kay Ara.

comments