Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Daniel, buking sa audio tape

Daniel, buking sa audio tape

Daniel Padilla

Hindi pinangalanan ni Daniel Padilla ang kaibigan niyang nag-upload ng audio video clip controversy kung saan sangkot si Jasmine Curtis-Smith and her boyfriend Sam Concepcion. Inamin ni Daniel na siya ang nagsalita sa naturang audio video na aniya, nagkamali siya. “Lalaki lang ako,” sambit niya.

Lesson learned, huwag magtitiwala kahit kaibigan mo pa ang isang tao. Obviously, gustong mang-intriga ng friend na ‘yun ni Daniel, kaya in-upload nito ang audio video. Usapang pang-magkaibigan ‘yun, pero sinira nito ang tiwala ni Daniel.

Inamin naman ni Jasmine sa isang interbyu na nag-text sa kanya si Daniel. Kinumusta lang nito ang kalagayan ng kanyang daddy. Kamakailan kasi’y na-confine sa isang hospital ang daddy ni Jasmine at inoperahan. Friendly text lang naman ang namagitan between her and Daniel.

May violent reaction agad ang fans nina Daniel at Kathryn Bernardo na kesyo pokpok at malandi si Jasmine. Ipinagtanggol siya ni Anne Curtis sa kanyang bashers na hindi naman nila kilala nang lubusan ang kanyang kapatid para husgahan ito. Oo nga naman!

MARIAN Rivera

Stag party/bridal shower
Kahit nasa Germany si Dingdong Dantes para sa ibinigay na stag party sa kanya ng mga kaibigan at pinsan niya, parati siyang nag-a-update kay Marian Rivera ng mga kaganapan. Sa Hong Kong naman binigyan ng bridal shower ng mga kaibigan niya ang fiancèe ni Dingdong. Kasama ni Marian ang kanyang Lola Inkang, Mama Amy, ang manager ni Dingdong na si Perry Lansigan at ilang mga kaibigan, kabilang sina Ana Feleo at Boobay.

Nagkatrabaho sina Marian at Boobay sa “Extra Challenge,” hosted by Marian and Richard Gutierrez. Bridesmaid si Ana Feleo sa wedding nina Marian at Dingdong. Eh, si Boobay, ano kaya ang participation? Alangan namang bridesmaid din? Joke! Isa pang bridesmaid ay si Roxy Barcelo na friend din ni Marian. Bahagi rin ng wedding entourage si Rita Avila na naging nanay-nanayan ni Marian sa isang afternoon drama ng GMA7. May ibang Kapamilya stars na bahagi rin ng entourage.

HEART Evangelista

New Hermes bag
Hindi pa ipinapahayag ni Heart Evangelista kung sino ang designer ng kanyang bridal gown. Pero nag-post na siya sa kanyang Instagram account na nagpapagawa na sila ni Senator Chiz Escudero ng wedding invitations.

Naipost din ni Heart ang bago niyang Ostrich Hermes bag. Ang caption niya: “My collection ends here after spoiling myself before getting married. It’s time to focus on life and making a happy family.”

Ayon sa isang IG follower ni Heart, P5.3 million or P10.2 million ang halaga ng Ostrich Hermes bag na ‘yun ni Heart. Grabe! Meron na rin kaya nito si Marian Rivera?

CARLA Abellana

Kapareho rin
Curious lang kami kung Dolce & Gabbana rin kaya ang brand ng dress ni Carla Abellana na suot niya sa “My Destiny?” Halos kapareho din kasi ang kulay at floral design nito ang D&G dresses nina Marian Rivera at Heart Evangelista na naipost nila sa kanilang respective Instagram accounts.

Isa nga pala si Carla sa bridesmaid ni Heart sa kasal nila ni Senator Chiz Escudero. Friends pala sila. Ang iba pang bridesmaids ay sina Lovi Poe, Alessandra de Rossi, Jennylyn Mercado at Solenn Heussaff. Wala bang Kapamilya stars na kaibigan ni Heart na bahagi ng entourage? Dati siyang taga-ABS-CBN.

comments