Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Don’t call her Tita Lea

Don’t call her Tita Lea

ENGAGED couple na rin sina John Prats at Isabel Oli. Nakiuso na rin sila sa marriage proposals ng mga celebrity couple. Sa harap ng maraming tao sa Eastwood City Walk, QC nag-propose si John kay Isabel na sinaksihan din ng ilang kaibigan nila. Kailan naman kaya ang wedding bells?

Two years or so na ang relasyon nina John at Isabel. Ex-girlfriend ni John si Rachelle Ann Go at ex-boyfriends naman ni Isabel sina Paolo Contis at Gab Valenciano. Engaged na rin si Gab sa kanyang non-showbiz GF. Si Paolo ay hiwalay na sa asawang si Lian Paz.

Si John ang first showbiz BF ni Heart Evangelista na ikakasal na kay Senator Chiz Escudero on February 15 next year. Parehong February 14 ang birthday nina John at Heart. Na-link din si John kina Maja Salvador at Shaina Magdayao.

JAKE Vargas

Certified Kapuso na
Certified Kapuso talent na si Jake Vargas. Pumirma siya ng three-year exclusive contract sa GMA Network.

Dapat sana’y sabay ang contract-signing nila ni Bea Binene, pero may prior commitment si Jake, kaya naunang pumirma si Bea. Homegrown talents ng GMA sina Jake at Bea.

Produkto ng Starstruck Kids si Bea at si Jake naman ay nagsimula sa “Walang Tulugan with the Master Showman” ni German Moreno na tumatayong manager at tatay-tatayan ni Jake.

Live-in na?
Kahit pa itinatanggi nina Kiko Estrada at Kim Rodriguez na may something special na namamagitan between them, walang gustong maniwala. Iba kasi ‘yung nakikita sa kanila, kesa sa sinasabi nila. Action speaks louder than words at kita ‘yun sa kanilang body language kapag magkasama sina Kiko at Kim.

May tsika pang diumano, naglilive-in na raw sina Kiko at Kim. Diumano pa rin, madalas nakikitang pumupunta si Kiko sa condominium unit ni Kim. Nagsarili na kasi siyang namumuhay simula noong namatay ang kanyang lola na nagpalaki sa kanya.

Isang kamag-anak (o kaibigan?) ang kasama ni Kim sa bahay. Hindi naman niya itinatanggi na nagpupunta si Kiko sa house niya. Pero may kasama naman itong mga kaibigan at wala siyang nakikitang masama kung dinadalaw siya ni Kiko dahil magkaibigan sila, ayon kay Kim. Friends without benefits kaya? Ang kanilang press release, focused muna sila sa kanilang respective careers. Talaga lang ha?

Lea Salonga

Naiilang
Naiilang daw si Lea Salonga kapag tinatawag siyang “Tita” ng mga taong katrabaho niya. Hindi naman daw niya kasi kamag-anak ang mga ito. Pareho sila ni G-Toengi na ayaw patawag ng “Tita.”

Kaya lang, kalakaran sa showbiz ang pagtawag ng “Tita” sa mga nakakatanda bilang respeto ng mga nakakabata. Kung hindi “Tita,” “Ate” ang tawag. ‘Yung iba nga, Nanay, Inay, Mama o Mommy pa ang tawag.

Si Maricel Soriano, okey lang na tinatawag siyang Inay. Nanay naman ang tawag kay Nora Aunor nina Rocco Nacino, Jeric Gonzales, Chynna Ortaleza at Yul Servo na mga kasama niya sa “Dementia.”

Si Gov. Vilma Santos-Recto, Ate Vi ang tawag sa kanya kahit mas matanda pa sa kanya. No big deal.

comments