Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Diego, ayaw kalabanin si Daniel

Diego, ayaw kalabanin si Daniel

Diego-Loyzaga_ADOR

IPINAHIRAM din ng ABS-CBN si Diego Loyzaga sa TV5. Kasama siya sa cast ng “Mr. Popular Meets Ms. Nobody (MPMMN) “ na mapapanood sa “2nd Wattpad Presents” na magsisimula bukas, 7 p.m.

Naunang ipinahiram ng Kapamilya Network sa Kapatid Network si Sam Concepcion na itinampok sa unang “Wattpad Presents” with Jasmine Curtis-Smith.

Ayon kay Diego nang nakausap namin sa pocket presscon ng MPMMN, tapos na ang kontrata niya sa ABS-CBN at sa Star Magic na lang siya nakakontrata. Huling teleserye niya ang “Mirabella” with Julia Barretto. Wala pang maibigay na bagong project sa kanya, kaya ipinahiram muna siya sa TV5.

Ani Diego, nag-enjoy siya at komportable agad siya katrabaho ang mga Kapatid stars na sina Mark Neumann, Shaira Mae dela Cruz at Pam Mendiola.” Klik agad kami. Madali silang pakisamahan,” saad ni Diego. He plays Adrian in MPMMN na best friend ni Kyle (Mark Neumann). Napanood namin ang teaser nito at maraming kilig moments ang week-long mini-series na ito na sinulat ni Pinkyjhewelii, directed by Jay Altarejos.

Ayaw madamay
Kaibigan ni Diego Loyzaga si Daniel Padilla na aniya, kilala niya kung sino ang nag-upload ng audio clip video controversy sangkot si Daniel, Jasmine Curtis-Smith, at Sam Concepcion.

Pero tumanggi si Diego pangalanan ito na aniya, ayaw niyang madamay sa isyu. Si Daniel na lang daw ang tanungin kung sino ang friend nitong nag-upload ng audio clip video. Blind item din kay Daniel ang friend niyang ito.

Crush ni Diego si Kathryn Bernardo. Pero dahil friend niya si Daniel, hindi sila talo at para iwas-intriga na rin. Crush din ni Diego si Jane Oineza, pero dahil may Jeron Teng naman ito, never mind na lang, ani Diego. Crush din daw niya sina Lisa Soberano at Julia Barretto. At least, parehong single pa ang dalawang bagets. Ani Diego, nagka-girlfriend na siya, pero wala na sila ngayon.

Like father, like son?
Chickboy (o playboy) ba siya like his dad, Cesar Montano? “Hindi! Ako pa nga ang nagpapayo sa kanya na huwag siyang chickboy (laughs),” sambit ni Diego. Sa daddy niya siya nakatira ngayon, ayon kay Diego. Ang kanyang mommy Teresa Loyzaga ay nasa Australia at may inaayos lang. Babalik daw ito sa Pilipinas para dito na manirahan.

May older half-brother siya sa kanyang mommy, ayon kay Diego. Six years ang age gap nila. Diego is 19 years old.

Okey ba sila ng ex-stepmom niyang si Sunshine Cruz? Ngiti lang ang sagot ni Diego. Feel tuloy namin, parang hindi naman sila okey. Tama kaya kami?

Basta ang sabi lang ni Diego, okey siya sa Tres Marias half-sisters niya na mga anak ng daddy Cesar niya kay Sunshine. So, there! No more questions asked!

JAM

Ayaw magkabalikan
Hindi pa showbiz sumagot si Pam Mendiola, older sister ni Jessy Mendiola, kaya nag-enjoy kami kausap siya sa pocket presscon ng “Mr. Popular Meets Ms. Nobody.” Pam is 23 years old at graduate ng International Studies sa Miriam College.

Panganay siya sa tatlong magkakapatid (all girls), pangalawa si Jessy (22 years old) at 19 ang youngest nila. Lebanese ang daddy nila na may business sa Bahrain. Twelve years nang hiwalay ang parents nila (taga-Samar ang mommy nila). Parehong wala pang second family ang mga ito. Ayaw ni Pam na magkabalikan ang parents nila dahil magiging awkward ang feeling niya. Abangan bukas ang karugtong ng tsikang ito.

comments