Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Baguhang matsika, datihang ma-quieme

Baguhang matsika, datihang ma-quieme

shyra mae dela cruz

As promised, heto ang karugtong ng tsika namin about Pam Mendiola. Wala siyang contract sa TV5, pero ilo-launch sana siya sa “Pretty Little Liars.” Kaya lang, na-shelve ang project. Nanghinayang siya, pero wala raw siyang magagawa kung management decision ‘yun.

Isinama na lang siya sa cast ng “Mr. Popular Meets Ms.Nobody” na pinagbibidahan ng Artista Academy Scholars na sina Mark Neumann at Shaira Mae Dela Cruz. Second offering ito ng “Wattpad Presents” na magsisimula ngayong Lunes at 7 pm.

Bakit ngayon lang siya nag-artista? “Tinapos ko muna kasi ang pag-aaral ko,”ani Pam na Pamela Taewele ang real name. Surname ‘yun ng kanyang Lebanese father. Mendiola ang maiden name ng kanyang mother.

May boyfriend si Pam, isang Chinese-Filipino businessman. Columbian naman ang boyfriend ng kapatid niyang si Jessy Mendiola. Ayon pa kay Pam, friends na lang sina Jessy at JM de Guzman na ex-boyfriend nito. Si Jake Cuenca raw ay nanligaw kay Jessy, pero hindi naging magka-relasyon. Same with Sam Milby na hindi rin nag-prosper ang panliligaw kay Jessy. Noong nagpunta sa New York si Sam, nawalan sila ng communication . Sayang at nakalimutan namin itanong si Matteo Guidicelli na na-link din kay Jessy.

Sa panlalait naman kay Jessy noong nag-host ito sa Cheer Dance competition ng mga university, ani Pam, biglaan ‘yun, kaya hindi nakapag-prepare si Jessy. Sobrang affected raw ito at pinayuhan niyang huwag gaanong dibdibin ang mga panlalait.

Mark Neuman

Echoserong frog
Echoserong frog na rin si Mark Neumann. Ibinuking na siya ni Shaira Mae Dela Cruz na may girlfriend na, todo-tanggi pa rin ang German boy na ito. Career daw muna ang focus niya, sabi ni Mark. Chos!

Mabuti pa si Shaira, inaming sila pa rin ni Edgar Allan Guzman .One year and seven months na sila together. Hindi naman daw ito nagseselos kay Mark sa mga kilig moments nila sa “Mr. Popular Meets Ms. Nobody (MPMMN).”

Friends daw kasi sina Edgar at Mark. Heart-warming love story ang MPMMN,written by Pinkyjhewelii, followed and patronized by more than 11.9M readers. Mark plays Kyle, the most popular campus guy na na-in love sa isang ordinary girl named Chelsea (Shaira Mae).

Tampok pa rin sina Diego Loyzaga, Donnalyn Bartolome, Bryan Olano, Prince Justine Navarro, Shirley Fuentes, Lander Vera-Perez, Carlos Morales at Perla Bautista.

Di pinangarap
Hindi pinangarap ni Mark Neumann maging artista. Gusto niyang maging flight attendant. Noong nagpunta siya sa Pilipinas two years ago, pinag-audition siya ng kanyang tito sa Artista Academy. Nakapasa siya at napabilang sa Artista Academy scholars. Pinapirma siya ng TV5 ng 5-year contract at naka-three years na siya sa Kapatid Network.

“Dati, sobrang mahiyain ako. Now, may self-confidence na ako,” saad ng 20-year old Kapatid star. Mark was born in Germany. Twelve years siyang tumira roon with his family. Anim silang magkakapatid at pangatlo si Mark. Then, nag-relocate sila sa England but after a few years, bumalik sila sa Germany.

Si Mark lang ang naninirahan dito sa Pilipinas. Nami-miss na nga raw niya ang kanyang parents at mga kapatid. Wish niyang someday soon ay makapiling niya ang mga ito.

comments