Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Sheena: Kasal muna, bago baby

Sheena: Kasal muna, bago baby

SHEENA Halili

PAREHONG nangungulila ngayon si Cherrie Pie Picache at ang Santiago siblings (Randy, Rowell, JunJun, Rea, ChiChi at Raymart) sa magkasunod na pagkamatay ng kanilang respective mothers na sina Mrs. Zenaida Sison at Mrs. Cielito Legaspi-Santiago. One week lang ang pagitan ng kanilang pagpanaw. September 19 ang mommy ni Cherrie Pie, September 26 naman si Mommy Celing. Ang aming taos-pusong pakikiramay sa mga naulila nila.

Iniimbestigahan pa rin kung sino ang pumatay sa mother ni Cherrie Pie, samantalang pneumonia na diumano, kumplikasyon sa mga ininom na gamot ang ikinamatay ni Mommy Celing. Kinamatayan nito ang hindi pagkakasundo nina Raymart at Claudine Barretto. Dumalaw sina Gretchen at Marjorie Barretto sa burol ni Mommy Celing. Habang sinusulat namin ang kolum na ito (Sunday), wala pang balita kung dumalaw na si Claudine at ang mga anak nila ni Raymart na sina Sabina at Santino. Siguro (o sana) naman ay nag-effort si Claudine.

Kasal muna, bago baby
Papasok this week ang karakter ni Sheena Halili sa “Hiram na Alaala (HNA).” Gaganap siya bilang Jasmine, isang probinsiyanang makikilala ni Otep (Rocco Nacino). Nag-taping na sila na ani Sheena, noong una,y medyo awkward ang feeling niya. Si Rocco ang unang bumati sa kanya, kaya nawala ‘yung pagkailang niya sa kanyang ex-boyfriend.

Ani Sheena, may closure na sila ni Rocco. Eight months after they broke up, nagkausap sila . Nagkatrabaho sila sa “Bubble Gang” at first time nila magkatrabaho sa isang teleserye (HNA). Huling teleserye ni Sheena ang “Binoy Henyo.”

Happy naman si Sheena sa relasyon nina Rocco at Lovi Poe. “Tapos na ‘yung sa amin (Rocco). May kanya-kanya na kaming buhay ngayon. I’m dating a non-showbiz guy. Businessman siya,” sam bit ni Sheena.

Nag-aaral ngayon ang Kapuso star ng Interior Design sa Philippine School of Interior Design sa Makati. Hindi ba siya naiinggit sa mga kabatch niya sa Starstruck 1 na sina Jennylyn Mercado, Yasmien Kurdi, at Katrina Halili na may mga anak na? “Kapag nag-uusap nga kami, tungkol sa babies ang topic namin. Mahilig din ako sa bata, kaya nagbibiruan kami. Pero gusto ko, ikasal muna ako bago magka-baby,” ani Sheena.

Aminin kaya?
May presscon this week ang “The Trial” na tinatampukan nina Richard Gomez, Gretchen Barretto, John Lloyd Cruz at Jessy Mendiola. Aminin kaya ni Jessy na isang Columbian ang boyfriend niya? That is, kung hindi ipagbabawal ang personal questions sa cast members.

Ibinuking kasi ni Pam Mendiola (Jessy’s older sister) na may BF na ang sister niya. Sinabi rin ni Pam na friends na lang sina Jessy at JM de Guzman. Sabi pa ni Pam noong nakausap namin sa pocket presscon ng “Mr. Popular Meets Ms. Nobody,” mabait naman si JM noong BF pa siya ni Jessy.

Labis silang nag-alala ng mommy at kapatid niya for Jessy noong nalulong sa masamang bisyo si JM hanggang nagpa-rehab ito. Ani Pam, panay ang payo nila kay Jessy dahil nag-alala sila na baka mainfluence ito ni JM. Isa raw sa mga dahilan kung bakit nag-break sina Jessy at JM ay noong nalulong ang aktor sa masamang bisyo. Inamin naman ito ni JM na balik-showbiz na ngayon. Kasama siya sa cast ng isang teleserye ng ABS-CBN.

Samantala, nag-umpisa na kagabi ang “Mr. Popular Meets Ms. Nobody” sa TV5 kung saan kasama ni Pam sina Mark Neumann, Shaira Mae dela Cruz, at Diego Loyzaga . Week-long mini series ito ng “Wattpad Presents” at 7 p.m.

comments