Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Derek’s name kasama na sa ‘Janitor’ billing

Derek’s name kasama na sa ‘Janitor’ billing

MIKAEL Daez

MUKHANG ipinu-push ng GMA7 ang tandem nina Mikael Daez at Andrea Torres. Una silang nagtambal sa “Sana ay Ikaw Na Nga,” followed by “With a Smile” na parehong afternoon drama. For the third time, magkatrabaho na naman sila sa “Ang Lihim ni Annasandra” na isa uling afternoon drama na mapapanood simula sa Lunes, Oct. 6.

Bongga ang press presentation na ginanap sa isang events place sa Tomas Morato, QC. Kinarir nina Andrea, Mikael, Pancho Magno at Rochelle Pangilinan ang kanilang production number.

Sa suot na white revealing gown ni Andrea noong open forum, cleavage kung cleavage siya. Hindi mapigilan ni Mikael na palihim na sulyapan ang “nagmumurang” cleavage ni Andrea.

Anila, komportable na silang katrabaho ang isa’t isa at magaan ang loob nila.

Sa mga nag-iisip na baka magkadebelopan sina Mikael at Andrea, mukhang malabo ’yun. Open secret na ang ka-“somethingan” ni Mikael ay si Megan Young na matatapos na ang reign bilang Miss World 2013. Si Andrea naman, nalilink kay Sef Cadayona.

In any case, big challenge kay Andrea ang role niya sa “Ang Lihim ni Annasandra.” Isinumpa siya na maging awok (aswang).

Kapag nagpapalit ang anyo niya, hirap na hirap daw siya, ani Andrea. Kinukunan ’yun sa iba’t ibang anggulo. Hingal na hingal siya, masakit ang kanyang ulo at katawan pagkatapos ng take.

DEREK Ramsay

Kasama na
Mabuti naman at kasama na ang mukha at pangalan ni Derek Ramsay sa bagong poster ng “The Janitor.” Natuwa ang hunk actor at nai-post niya ’yun sa kanyang Instagram account. Meaty ang role ni Derek sa naturang pelikula, kaya nararapat lang na isama ang mukha at pangalan niya sa billing.

Bad guy ang role ni Derek sa “The Janitor” na kalaban ni Dennis Trillo. Nakalamang lang si Derek kay Dennis dahil may sizzling hot scene siya with Sexbomb dancer Sunshine Garcia. Anang huli, dalawang oras kinunan ang mainit na eksena nila ni Derek.

Sabi ng isang reporter na nakapanood ng “The Janitor” sa nakaraang Cinemalaya Independent Film Festival (Cinemalaya X), almost naked si Sunshine na mukhang give na give sa scene nilang ’yun ni Derek. “Hindi naman po!” waring hiya-hiyaang sabi ni Sunshine noong presscon.

Tiniyak naman daw sa kanya ni direk Mike Tuviera na hindi siya nasilipan o nakitaan ng kanyang private parts. Graded A ng Cinema Evaluation Board (CEB) ang “The Janitor” na showing sa mainstream theaters on Oct. 8.

Happy Birthday
Birthday today ni German Moreno, pero wala siyang party. May month-long birthday special siya sa “Walang Tulugan with the Master Showman” simula mamayang hatinggabi (o madaling araw na?).

Secret pa rin kung ilang taon na si Kuya Germs na, “Katulad pa rin kahapon” ang isinasagot niya sa mga nagtatanong.

Anyway, happy, happy birthday, Kuya Germs! Good health and long life para sa Master Showman. Cheers!

comments