Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Michelle Madrigal, bida na at long last

Michelle Madrigal, bida na at long last

MICHELLE Madrigal

AFTER ten years, may launching movie na rin si Michelle Madrigal. Siya ang personal choice ni direk Boy Vinarao para sa female lead role sa “Bacao: Gagawin Ko ang Lahat “ na prodyus ng Oro de Siete Productions.

Ayon kay direk Boy, tailor-made kay Michelle ang role ni Mayet, isang maganda at kaakit-akit na morenang probinsiyana na pinagpapantasyahan ng mga kalalakihan sa kanilang barrio.

Ayon kay Michelle, nagdalawang-isip siyang tanggapin ang role dahil may sexy scenes. Nag-usap muna sila ni direk Boy at sinabi niya kung ano at hanggang saan lang ang kaya niyang gawin. May topless scene siya habang nakikipag-lovemaking sa asawa niyang si Abel (Arnold Reyes). Tatlo ang love scenes nila, eight to ten ang kissing scenes.

Bukod doon, may rape scene pa si Michelle with Leo Martinez. Tiniyak naman sa kanya ni direk Boy na iingatan ang mga anggulo para hindi lumabas na bastos ang eksena.

Daring scene ever ni Michelle ay side view ng kanyang boobs ang ipinakita niya. May underwater scene din siya.

Tampok din sa “Bacao: Gagawin Ko ang Lahat” sina Alvin Anson, Irma Adlawan, Menggie Cobarrubias at Marife Necesito. Isa ito sa apat na entries sa Sineng Pambansa National Film Festival 2014 na ipinalabas ng Film Development Council of the Philippines (FDCP). Showing ito sa SM cinemas nationwide simula sa Oct. 29.

Hindi na Kapuso
Huling teleserye ni Michelle Madrigal ay “Adarna” sa GMA7 with Kylie Padilla and Geoff Eigenmann. Hindi na siya nag-renew ng kontrata niya sa Kapuso Network at freelance siya ngayon. Gusto nga niyang bumalik sa ABS-CBN, ani Michelle. Dati naman siyang Kapamilya.

Busy-bisihan ngayon si Michelle sa pag-aaral ng Culinary Arts sa Café Ysabel.

May non-showbiz boyfriend siya na ayaw pag-usapan ni Michelle. Understanding at supportive ito sa kanyang career. Hindi isyu ang sexy at daring scenes niya sa “Bacao: Gagawin Ko ang Lahat.”

Ani Michelle, ten years siyang naghintay na magkaroon ng launching movie, pakakawalan pa ba niya? Lalo pa’t isang magandang project at isang magaling na direktor pa ang katrabaho niya.

“I waited patiently. Never akong nag-give up o inisip na mag-quit sa showbiz. I always think positive na magpe-pay off ang paghihintay at pagtitiyaga ko. At ’eto na nga ’yun, may launching movie na ako,” saad ni Michelle.

Aniya, pinapirma siya ng 2-year contract ng Regal Entertainment, pero wala namang naibigay na project sa kanya.

Sobrang kaba
Sabi ni John Lloyd Cruz, pagkatapos ng shooting nila sa “The Trial” ay nagpagupit ng buhok si Jessy Mendiola. Na-stress daw kasi ito sa mga pagsubok na pinagdaanan habang ginagawa ang pelikula.

’Yun nga kaya ang tunay na dahilan? May kasabihan kasing kapag heartbroken ang isang babae’y napagdidiskitahan nito ang kanyang buhok. Pero sa pagkaalam namin, may boyfriend si Jessy, isang Columbian na naitsika sa amin ng kapatid niyang si Pam.

In any case, sabi ni Jessy noong presscon ng “The Trial,” sobrang kaba siya kapag may shooting sila dahil iniisip niya, baka palitan siya ni direk Chito Rono kapag hindi niya nakaya ang mga eksenang ipapagawa sa kanya.

Ani Jessy, sobrang kaba niya kapag si John Lloyd ang ka-eksena niya. “Ang galing niya kasing aktor. Ang dami ko pang dapat patunayan. Marami pa akong bigas na kakainin. Proud and thankful akong gina-guide ako ni John Lloyd. Nag-showbiz ako dahil sa kanya. Nasa bucket list ko ang makatrabaho siya,” lahad ni Jessy.

comments