Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Heart nabuko

Heart nabuko

HEART Evangelista

GUSTO na ring magkaanak ni Heart Evangelista pagkatapos nang kasal nila ni Senator Chiz Escudero.

Nang tanungin siya ni Lolit Solis sa “Startalk” paano kung mabuntis siya bago sila ikasal, “Hindi! Nagpa-family planning kami,” walang kagatul-gatol na sagot ni Heart. ’Yun na! Ibig sabihin, okey sa kanya ang sex before marriage.

Nag-joke pa nga siyang buntis na siya. Hiya-hiyaan pa si Joey de Leon itanong kung totoo. Agad namang binawi ni Heart ang sinabi niya; hindi raw siya buntis.

Sayang at hindi naitanong kay Heart kung ilang anak ang gusto niya.

Si Marian Rivera kasi, kahit ilang anak ang gusto ni Dingdong Dantes, ibibigay niya. Kahit pa raw lumapad ang katawan niya at maging losyang siya, naka-prepare na siya, ani Marian. Sinabi pa niyang agad-agad ay gusto niyang mabuntis pagkatapos ng kasal nila ni Dingdong.

Looking forward ang Kapuso Primetime Queen sa honeymoon night nila ni Dingdong na joke pa ni Marian, hinding-hindi siya mapapagod. “Bawal,” she said.

LUCY Torres Gomez

Payo
Pinayuhan ni Lucy Torres-Gomez si Marian Rivera para maging successful ang marriage nila ni Dingdong Dantes. Ani Lucy, dapat ay maging honest at wala silang sikretong itatago sa isa’t isa ni Dingdong.

Hindi lang daw dapat partners sila, kundi dapat ay best friends din ang maging turingan nila sa isa’t isa. Fifteen years nang kasal sina Lucy at Richard Gomez at nag-renew sila ng kanilang wedding vows.

Pinayuhan din ni Lucy si Marian na dapat maging handa siya at tanggapin na kahit mag-asawa na sila ni Dingdong, hindi maiiwasang may mga babae pa ring lalapit dito dahil guwapo si Dingdong, katulad ng husband niyang si Richard. Isipin na lang daw na sa rami ng babae, siya ang pinakasalan. Oo nga naman!

May rich benefactor?
Non-showbiz ang source ng tsikang ito. Diumano’y binigyan ng house and lot ng isang non-showbiz rich guy ang isang aktres. Hindi iisiping pwede palang pumatol ang aktres sa nasabing guy dahil maganda naman ang takbo ng career nito.

At saka, nakapagpundar na ang aktres ng sariling bahay. May sasakyan na rin ito. Pero iginiit ng source na usap-usapan sa isang opisina ang tungkol sa aktres at sa non-showbiz rich guy. Dagdag pa ng source, naging benefactor din ito ng isang aktres.

comments