Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Dingdong-Marian honeymoon made-delay

Dingdong-Marian honeymoon made-delay

Dingdong Dantes

Well-appreciated ng entertainment press ang pag-effort ni Dingdong Dantes na makipag-get together bago siya mamaalam sa pagkabinata.

“Huling pagsasama natin ito na single pa ako. Next year, I already have a wife. Nagsisimula pa lang ako sa career ko, andiyan na kayo (press) hanggang nakilala at nakita ko ang aking bride-to-be. Naging parte kayo ng buhay namin ni Marian (Rivera), kaya gusto naming ibahagi ang mga magaganap sa kasal namin,”pahayag ng Kapuso Primetime King.

Bahagi ng Get Together ni Dingdong with the entertainment press ay iba’t ibang parlor games . May Pinoy Henyo pa na may pagka-naughty ang mga pinahulaang salita. Ang friend ni Dingdong na si Michael Angelo ang nagsilbing host na ‘kaaliw ang pang-ookray sa mga sumaling press.

Joint-effort ng GMA Network at ng management company (PPL) ni Dingdong ang ginanap na Get Together.

Delayed honeymoon
Wala pang napipiling venue para sa kanilang wedding reception sina Dingdong at Marian. Nag-food tasting na sila,ayon sa groom-to-be. Aniya, incomparable ang excitement niya habang nalalapit ang altar date nila (December 30).

“Sobrang excited ako. Kung excited ako kapag may ipapalabas akong pelikula, ngayon 100 times ang excitement ko,”saad ni Dingdong.

Hindi kaya siya maiyak sa wedding day nila ni Marian? “ Ewan ko. Hindi ko alam. Dapat poised pa rin (laughs). It will be a traditional wedding. Very solemn, very simple, very personal,”ani Dingdong.

Aniya pa, darating ang daddy ni Marian mula sa Spain para ito ang maghatid sa kanyang fiance’. Made-delay ang honeymoon nila dahil pagkatapos ng kanilang kasal, ipapasyal nila sa iba’t ibang isla sa Pilipinas ang daddy ni Marian. Mag-i-island hopping sila,ayon kay Dingdong.

Tuloy pa rin
Magpapatuloy pa rin sila ni Marian sa kanilang showbiz careers,ayon kay Dingdong. Aniya, mahal niya ang industriya at nakikita niya ang kanyang sarili na tatanda sa propesyong pinili niya. Mababawasan nga lang daw ang oras niya sa kanyang sarili at sa kanyang showbiz career dahil priority niya ang kanyang pamilya.

Ilang anak ang gusto nila ni Marian? “Kahit ilan dahil blessing ang mga baby,”sambit ni Dingdong.

Paano kung tumaba at lumapad ang katawan ni Marian? “Lumaki ako sa pamilya na may malalaking katawan. Habang tumatanda, lalong tumitindi ang pagmamahalan,”wika ni DD.

Bakit si Marian ang napili niyang pakakasalan ? “Nakita ko kung paano niya ako asikasuhin. Lalo na kung kasal na kami. Nakita ko siya sa pinakamahirap na sitwasyon.”

Hindi kalakihan ang Immaculate Conception church kung saan ikakasal sina Dingdong at Marian. Pero ani Dingdong, magpo-provide ng full security si QC mayor Herbert Bautista. Tutulong din ang MMDA para maiwasan ang anumang kaguluhan.

Balik-hosting
Wala pang bagong teleserye si Dingdong after “Ang Dalawang Mrs. Real.” Balik-hosting siya sa “Starstruck 6” na ongoing na ang auditions. Tinatapos din ni Dingdong ang “Kubot: Aswang Chronicles” na official entry sa 2014 Metro Manila Film Festival MMFF).

May entry din si Marian, “Big Bossings Adventure” with Vic Sotto and Ryzza Mae Dizon. Flower girl nga pala si Aling Maliit sa kasal nina Dingdong at Marian.

comments