Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Gina, hinahamon

Gina, hinahamon

Gina Alajar and Yagit

BIGGEST challenge kay Gina Alajar ang bagong directorial job niya sa GMA7, ang remake ng “Yagit.” Soap opera ito noong Dekada 80 mula sa creation nina Eddie Ilarde at Jose Miranda Cruz.

Sa remake nito, tampok ang mga bagets na sina Chlaui Malayao, Zymic Jaranilla, Judie dela Cruz at Jemwell Ventinilla.

Ani direk Gina, nagsimula siya bilang isang child star, kaya alam niya ang feeling ng mga batang nag-aartista. “I love directing children. Nakaka-challenge. Noong nagpa-audition kami sa ‘Yagit,’ maraming batang gustong mag-artista. Maraming talented, pero naghahanap kami ng iba’t ibang characteristics at looks na babagay sa roles na ibibigay namin,” lahad ni direk Gina.

Hindi ba niya nami-miss ang acting? “Nag-e-enjoy ako sa ginagawa ko bilang direktor. Hindi ko nami-miss ang acting. Pero kung may offer, hindi ako magdadalawang-isip tanggapin.”

Si Chlaui Malayao ay product endorser. Siya ’yung batang nagsabi sa isang commercial ng “I like my hair! I like my family!” She’s six years old at grade one sa Growing Learning School.

Si Zymic Jaranilla ay 10 years old at younger brother ni Zaiijan Jaranilla. Nag-aaral si Zymic sa Holy Family Parochial School at nakalabas na siya sa “Niño” at “Prinsesa ng Buhay Ko” kung saan gumanap siya bilang batang Aljur Abrenica.

Pareho namang 12 years old sina Jemwell Ventinilla at Judie dela Cruz. Parehong unang teleserye nila ang “Yagit.” First year high school si Jemwell sa San Roque National High School.

Balik-TV
Balik-TV si Wowie de Guzman at kasama siya sa cast ng “Yagit.” He plays Chito, ang mapaghiganting ex-boyfriend ni Dolores (Yasmien Kurdi). ’Yung dating role ni Rowell Santiago sa original version ng “Yagit” ang karakter ni Wowie. Kontrabida siya, pero okey lang, ani Wowie.

“Sobrang pasasalamat ko sa GMA na sa akin ipinagkatiwala ang role. Sana, masundan pa ng ibang projects,” wika ni Wowie.

Ngayong busy-bisihan siya sa trabaho, at least, kahit papaano’y naiibsan ang pangungulila ni Wowie sa pagkamatay ng kanyang asawa. Malungkot, mahirap, pero kinakaya niyang maging single parent sa anak nila. Kailangan niyang magpakatatag at harapin ang mga hamon sa buhay.

GRO
Dating GRO sa isang bar ang role ni Yasmien Kurdi sa “Yagit”. Aniya’y nahirapan siya sa eksenang nagsasayaw siya. Seksi-seksihan ang outfit niya. Noong una, medyo kabado siya, hiya-hiyaan dahil maraming tao.

Inisip na lang niya ang karakter niya at kailangang galingan niya ang pagsasayaw. Siya ang ina ni Chlaui Malayao (bilang Eliza). Itinago niya ito sa tunay nitong amang si Victor (James Blanco).

Huling teleserye ni Yasmien ay “Rhodora X” with Jennylyn Mercado and Mark Herras. Thankful siya sa GMA na isa na namang magandang project ang ibinigay sa kanya, itong “Yagit.” Magsisimula ito sa Lunes (Oct. 13) before “Ang Lihim ni Annasandra” sa GMA Afternoon Prime.

Tampok din sina Rich Asuncion, LJ Reyes, Maricris Garcia, Renz Fernandez, Frank Magalona, Ina Feleo, Raquel Villavicencio at Steph Yamut, ang batang nag-audition sa Cebu.

Hataw
Humataw sa ratings ang pilot telecast ng “Bet ng Bayan” (BNB) noong Linggo (Oct. 5). Sa overnight ratings data sa Urban Luzon at Mega Manila, nakapagtala ang BNB ng 14% at 14.7%.

Hataw ang opening number… biritan showdown nina Jonalyn Viray, Maricis Garcia at Frencheska Farr. May dance showdown naman sina Mark Herras, Rodjun Cruz, Kinjohns (World Hiphop champion) at Upeez (World Hiphop finalist).

comments