Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Api-apihan role di bagay kay Rich

Api-apihan role di bagay kay Rich

Renz Fernandez

KAPUSO stars ang mag-iinang Lorna Tolentino, Rap Fernandez at Renz Fernandez. Si LT ay napapanood sa “My Destiny,” si Rap sa “Hiram Na Alaala” at si Renz sa “Yagit” na magsisimula ngayong Lunes sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng “The Half-Sisters.”

Renz plays Roman na isang pulis. Ani Renz, bilang anak ni Lorna Tolentino na isang multi-awarded actress at ng yumaong action star na si Rudy Fernandez, walang pressure sa kanya.

Bilang artista, may pressure, ayon kay Renz. Hindi kasi maiwasang ikumpara ang acting niya sa kanyang parents.

Unang teleserye ni Renz ang “Prinsesa ng Buhay Ko” with Kris Bernal and Aljur Abrenica.

Wala ba silang sibling rivaly ni Rap?

“Wala!” ani Renz. “We support each other. We do our best sa trabaho namin para maging proud sa amin si mama (LT).”

Rich Asuncion

Di isyu
Hindi isyu kay Rich Asuncion kung kontrabida na naman siya sa remake ng “Yagit.” She plays Odette na gagawin ang lahat para mapunta sa kanya ang lalaking mahal niya, si Victor (James Blanco) na in love naman kay Dolores (Yasmien Kurdi).

“Sa laking babae kong ito, hindi kapani-paniwala kung aapihin ako (laughs),” ani Rich. “Mas gusto ko ang kontrabida role, mas challenging. Mas mapaglalauran ko ang karakter ko.”

Ikakasal na rin
Walang bonggang marriage proposal si Patrick Garcia sa non-showbiz girlfriend niyang si Nikki Martinez. Sa March 2015 ang Christian wedding nila sa Blue Leaf Filipinas sa Mall of Asia.

May baby girl na sila. Boy naman ang anak ni Patrick kay Jennylyn Mercado, si Alex Jazz. Okey lang kay Jen kung maging bahagi ng wedding entourage si AJ at kung iimbitahin siya ni Patrick sa kasal nito kay Nikki, dadalo siya, ayon kay Jen.

Kahit magkaiba ng nanay, lumalaking close ang dalawang anak ni Patrick. Pinapayagan ni Jen magkita ang magkapatid para makasama ni Patrick at makapag-bonding ang mag-aama.

Mauuna ang wedding nina Senator Chiz Escudero at Heart Evangelista sa Feb. 15 next year sa Balesin Island, Quezon. April or May naman ang kasal nina John Prats at Isabel Oli. Early next year din ang wedding nina Aiza Seguerra at Liza Dino.

This year, ang mga celebrity couple na ikinasal ay sina Drew Arellano at Iya Villania (January), Karylle at Yael Yuson (March), Jericho Rosales at Kim Jones (May), Boots Anson-Roa at Atty. King Rodrigo (June).

Next month naman ikakasal, si Joross Gamboa and his non-showbiz girlfriend. Sa December naman sina Bianca Gonzales at JC Intal. Pinakaaabangan ng lahat ang Royal Wedding nina Dingdong Dantes at Marian Rivera on Dec. 30.

Kailan naman kaya sina Toni Gonzaga at direk Paul Soriano; John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban; Richard Gutierrez at Sarah Lahbati, Zanjoe Marudo at Bea Alonzo, Gerald Anderson at Maja Salvador, Anne Curtis at Erwan Heussaff, Solen Heussaff at Nico B., Iza Calzado at Ben Wintle, Rochelle Pangilinan at Arthur Solinap, Rocco Nacino at Lovi Poe, Sid Lucero at Alessandra de Rossi, Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo, and who else?

comments