Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » LT mananatiling biyuda forever

LT mananatiling biyuda forever

Lorna Tolentino

SARADO na ang puso ni Lorna Tolentino para magmahal muli at ayaw na niyang magkaroon ng lovelife. Aniya, nagsawa at tumigil na raw ang mga nagpaparamdam dahil dinededma niya.

Masaya na siya bilang biyuda forever ng yumao niyang husband na si Rudy Fernandez. Hanggang ngayon, hindi pa rin naaayos ni LT ang mga gamit ni Rudy since he died six years ago.

“Hinahayaan ko na lang na gano’n. Kung may kailangan ang mga anak ko (Rap and Renz), kumukuha na lang sila. Minsan, kapag nagpupunta ako sa kuwarto (kung saan naroon ang mga gamit ni Rudy) at saka ko naiisip, ay, wala na pala siya,” lahad ni LT nang nakausap namin sa set ng “My Destiny” sa Binan, Laguna.

Anang aktres, hindi siya naniniwala sa destiny. Ang tao raw ang gumagawa ng kanyang destiny.

“Gaya ni Rudy. Sinabi niya noon sa akin na ako ang babaeng pakakasalan niya,” sambit ni LT. She was 13 or 14 years old then. Now, she’s 52 at may apo na kay Rap named Lyla Victoria who’s turning 3 on Nov. 11. Birthday treat niya sa kanyang apo ang bakasyon sa Bangkok.

Final episode ngayong Biyernes ng “My Destiny” at ani LT, hindi naman siya masyadong nalulungkot. At least daw, makakapagpahinga siya dahil wala na siyang taping. May brace pa ang kanyang likod na isang buwan pa bago tanggalin. Nadulas siya at nagkaroon ng fracture, pero naghi-heal na ito, ayon kay LT.

Mag-e-expire ang contract niya sa GMA Network on Nov. 15 this year at ani LT, desisyon ng manager niyang si Lolit Solis kung magrerenew siya ng kontrata.

RHIAN Ramos

Aamin ba?
Nakausap din namin si Rhian Ramos sa set ng “My Destiny” at aniya, mami-miss niya ang bonding moments nila ni Carla Abellana. “We sing together kasi pag nasa room (tent) kami habang nagmemake-up. Nakaka-good vibes ’yung taste niya sa music,” ani Rhian.

Mami-miss din niya si Tom Rodriguez. Masaya rin daw ka-bonding ang aktor. “He’s always considerate. He checks on us (she and Carla). How we are. We talk about our show. Parati siyang nagpapasaya sa set. Kahit pagod at puyat na kaming lahat, ang taas-taas pa rin ng energy niya,” wika ni Rhian.

Wala pa siyang next project after “My Destiny,” kaya busy-bisihan muna si Rhian sa car racing. Mga non-showbiz friends daw niya ang naginfluence sa kanya. Hindi na namin itinanong kung totoo bang isang 60-year old guy ang boyfriend niya ngayon na siyang nag-influence sa kanya. Aamin ba naman kasi si Rhian?

Friends in love
Overwhelmed si Tom Rodriguez sa nakuhang nomination ng “My Husband’s Lover” sa telenovela category sa 42nd International Emmy Awards. Makikipagcompete ang naturang gay-themed serye ng GMA7 sa mga entry mula sa Portugal, Brazil at Canada. Gaganapin ang Awards Ceremony on Nov. 24 sa New York.

Wish lang ni Tom na manalo ang MHL na unang primetime series niya sa Kapuso Network. Kasama niya rito sina Dennis Trillo at Carla Abellana.

Second primetime series ni Tom ang “My Destiny” na final episode ngayong Biyernes. Ani Tom, hindi niya akalaing mag-aartista siya. Siguro raw, ito ang kanyang destiny at masaya siya sa kanyang trabaho.

Second TV team-up nila ni Carla ang MD at ani Tom, sobrang impressed siya kay Carla. “Marami akong nakitang bago sa kanya. She always surprises me. She gets into her character (as Grace). She’s very dedicated to her craft. She’s a brilliant actress. I’m a big fan of Carla,” sambit ni Tom.

Hindi pa sila, anang Kapuso hunk. Nanliligaw pa rin siya kay Carla, ani Tom. “She’s my good friend. She’s very special to me,” he said. Pwede kayang friends in love? Gano’n ba ’yun?

comments