Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Assunta nagpataba para mabuntis

Assunta nagpataba para mabuntis

TEN years ago ang huling pelikula ni Assunta de Rossi, ang “Baybayin” na isang indie movie. Balik-pelikula siya sa “Beauty in a Bottle” in a lead role along with Angelica Panganiban and Angeline Quinto.

Hindi si Assunta ang first choice sa role bilang isang aging advertising executive, kundi si Ruffa Gutierrez. Dahil may conflict sa isang beauty product endorsement ni Ruffa, she begged off. Si Assunta ang ipinalit ni Annabelle Rama na manager din ni Ruffa.

“I’m glad and honored na ako ang ipinalit kay Ruffa. Noong binasa ko ang script, nagustuhan ko ang role ko,” lahad ni Assunta.

More than 10 years na silang married ni Congressman Jules Ledesma at childless pa rin sila. Ani Assunta, underweight kasi siya, kaya hindi siya mabuntis. Nagpapataba siya ngayon para mabuntis. Nag-gi-gym siya at 130 lbs. na siya ngayon.

“Ayoko namang umabot sa 140 lbs. Mahilig si Jules sa matangkad at malamang babae. Sampalin ko na siya kapag sumobra ang taba ko (laughs),” wika ni Assunta.

She’s 31 years old now at ayaw niyang magparetoke ng face. “Mukha kasing alien kapag tinitingnan ko ’yung mga nagpaparetoke. Iisa ang itsura nila. Ayokong maging clone nila,” sambit ni Assunta.

ANGELINE QUinto

Retokada beauty
Katabi ni Assunta si Angeline Quinto sa presscon ng “Beauty in a Bottle” at bulong ng katabi naming reporter, hindi kaya na-offend si Angeline sa sinabi ni Assunta? Nagparetoke kasi si Angeline ng kanyang mga mata at iba pang parte ng kanyang face.

Inamin din niyang gumagamit siya ng glutathione products para pumuti. Nagpa-inject pa siya at aniya, three years na siyang naggu-glutathione at effective naman. Kutis porcelana na siya ngayon. Confident at happy na siya sa itsura niya ngayon.

Sa “Beauty in a Bottle,” isang insecure na babae (Judith) ang role ni Angeline. Lagi niyang ikinukumpara ang kanyang sarili sa ibang kababaihan.

Solenn Heussaff

Di nag-live-in
Kung deadma si Angelica Panganiban sa issue ng estranged couple na sina Derek Ramsay at Mary Christine Jolly, gano’n din si Solenn Heussaff. Nakausap si Solenn ng entertainment writers sa presscon ng “Ilustrado” at aniya, huwag na siyang idamay sa issue. Hindi siya nag-aalala na baka maisama siya ni Mary Christine sa demanda tulad ni Angelica.

Ani Solenn, hindi sila nag-live-in ni Derek. Two years ang naging relasyon nila noon. She was only 17 years old then. Long distance ang relasyon nila noon na on-and-off dahil nasa ibang bansa siya at nasa Pilipinas naman si Derek.

Argentinian ang boyfriend ngayon ni Solenn at live-in partners sila. Going strong ang kanilang relasyon, pero wala pa silang balak magpakasal. Enjoy-enjoy lang muna sila sa BF-GF na relasyon nila.

Ngayong Lunes na (Oct. 20) ang pilot telecast ng “Ilustrado” pagkatapos ng “Hiram Na Alaala” sa GMA Telebabad. Solenn plays Nellie Boustead, ang babaeng pinag-awayan nina Dr. Jose Rizal (Alden Richards) at Antonio Luna.

Muntik na siyang (Nellie) pakasalan ni Rizal, subalit naghiwalay sila dahil ayaw ni Rizal magpa-convert sa Protestantism.

comments