Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Kylie kinikilig kay Rayver

Kylie kinikilig kay Rayver

rayver cruz and kylie padilla copy

FIRST shooting day pa lang nina Rayver Cruz at Kylie Padilla sa “Dilim” ay maganda agad ang samahan nila. Pinagsama sila sa isang tent para makapag-bonding. Ang dami agad nilang kulitan bago mag-roll ang kamera.

Kapuwa nila inamin na physically attracted sila sa isa’t isa. “Ang ganda ni Kylie. Sobrang bait pa at ang ganda ng kutis,” lahad ni Rayver sa presscon ng “Dilim.”

Pero aniya, huwag silang i-pressure ni Kylie sa posibilidad na magkadebelopan at magka-in-love-an. “Tingnan na lang natin pagkatapos ng showing ng movie namin. Mahirap madaliin. Normal naman na ma-link kami dahil may pelikula kami.

“Special sa akin si Kylie. Bukod sa maganda at mabait siya, gusto ko ’yung pagiging sporty niya. Tinuturuan niya ako ng Muay Thai. Very cowboy din si Kylie. Walang arte sa katawan,” pahayag ni Rayver.

Aniya pa, never pa silang nag-date ni Kylie na silang dalawa lang. Nanood sila ng action movie, “Tombstone,” kasama ang kapatid niyang si Rodjun at mga kaibigan nila.

Kilig-kiligan
Inamin naman ni Kylie na takot siyang manood ng horror film, kahit horror ang ginawa nilang “Dilim.” Kung manonood daw siya ng horror movie, dapat ay may katabi siya para mayakap niya.

“Dapat pala, kaming dalawa lang ang manonood,” sabad ni Rayver.

“Para-paraan lang ’yan (laughs),” saad naman ni Kylie.

Inamin ng dalagang kilig-kiligan siya kay Rayver. Bukod sa guwapo’t matangkad ay sobrang bait daw ng binata. Maalaga rin daw si Rayver, gentleman at walang ego.

Ayon pa kay Kylie, hindi sila showbiz friends ni Rayver. Looking forward siyang kahit tapos na ang showing ng “Dilim” ay magpapatuloy pa rin ang kanilang friendship.

Showing ang “Dilim” bukas, Oct. 22. Produced by Regal Entertainment and directed by Joey Reyes.

Napatawad na
Kasama sa cast ng “Dilim” si Ynna Asistio na gumaganap bilang kaibigan nina Rayver Cruz at Kylie Padilla. Blooming ngayon si Ynna, pero aniya, loveless pa rin siya matapos silang mag-break ni Mark Herras.

Sinubukan daw niyang makipag-date sa ibang guys. Pero ayaw raw niyang pilitin ang sariling makipagrelasyon kung hindi naman niya mahal. Hindi lang daw ang kanyang sarili ang lolokohin niya, pati ’yung guy.

Napatawad na niya si Mark, pero mahirap pa rin daw tanggapin ang nangyari. Noong nakita nga raw niya ang babaeng naging dahilan ng hiwalayan nila at ina ng anak ni Mark, nakaramdam siya ng galit.

“I hate the girl. Ipokrita ko naman kung hindi,” ani Ynna.

Nagkita sila sa burol ng kinilalang daddy (Jun) ni Mark. Nagdeadmahan sila ng girl, ayon kay Ynna. Nakita rin niya ang anak ni Mark na si Baby Ada at nakaramdam siya ng kirot at kurot sa kanyang puso.

Birthday ni Ynna last Sept. 27 at tinext daw siya ni Mark. Hindi kasi ito nakapunta sa birthday dinner niya. Ani Ynna, hindi niya inasahang babatiin siya ni Mark.

Kapamilya na ngayon si Ynna at aniya, habang wala pa siyang project, focused muna siya sa pag-aaral. Third year na siya sa kursong Broadcasting sa Centro Escolar University (Manila). Nag-a-undergo rin siya ng acting workshops.

comments