Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Daniel wants to marry a Filipina

Daniel wants to marry a Filipina

Daniel Matsunaga

TANDANG-tanda pa namin ang sinabi ni Heart Evangelista noong nainterbyu namin siya sa taping ng isang GMA teleserye na pinagsamahan nila ni Daniel Matsunaga. BF-GF sila noon at ani Heart, kapag sila ang nagkatuluyan ni Daniel bilang mag-asawa, magle-level-up ang (o mga) magiging anak nila. Ang guwapo nga naman at ang tangkad ni Daniel.

Unfortunately, hindi si Daniel ang mapapangasawa ni Heart, kundi si Senator Chiz Escudero. Ikakasal na sila on Feb. 15 next year.

Sa isang interbyu kay Daniel, sinabi niyang masaya siya for his ex-girlfriend para sa nalalapit na kasal nito. Single pa rin si Daniel at aniya, gusto niyang isang Filipina ang mapangasawa niya. It doesn’t matter kung showbiz o hindi ang girl.

Ang sister niyang si Vanessa ay Pinoy ang asawa at dito na sila sa Pilipinas naninirahan. Gusto rin ni Daniel na dito sa ating bansa pirmihang manirahan.

Lalong nadagdagan ang sex appeal ngayon ni Daniel. Ang guwapo niya sa bago niyang TV commercial, ang San Marino Tuna Flakes. Hunk na hunk ang kanyang dating sa iba’t ibang extreme outdoor activities na ginawa niya.

Ani Daniel, nag-enjoy siya gawin ang commercial. “I’m very much into sports. I play a lot of football. Everyday we have training. I do workout two to three hours a day. Kapag may time, I do wakeboarding at iba-iba pang outdoor sports. I do a lot of challenging exercises,” he said.

Bukod dito, healthy food ang kinakain ni Daniel. Aniya, favorite niya ang San Marino Tuna flakes na may dalawang variants… In Oil at Hot & Spicy. Gusto niya ang protein content nito na kailangan niya para sa pagme-maintain ng kanyang hunk body.

“After I work out, I eat tuna. Our body needs protein to maintain or gain muscles,” saad ni Daniel.

RAFAEL Rosel

In a relationship
Birthday ni Rafael Rosell on Nov. 10 at darating ang commercial model girlfriend niyang si Olivia Medina mula sa Canada. Saktong one year na sila together, kaya double celebration ang gagawin nila.

Ayon kay Rafael, si Olivia ang unang commercial model ng Hannah shampoo. Si Marian Rivera ang bagong endorser nito ngayon.

Nagkakilala sina Rafael at Olivia thru Instagram account. Anang Kapuso actor, nag-umpisa sila sa biruan. First time sila nagkita sa personal noong birthday last year ni Rafael.

After dating five times, naging “sila” na, ayon kay Rafael nang nakausap namin sa presscon ng “Dilim.” “I think, she’s the one na talaga. I’m seeing myself a future with her.”

Dark character ang ginagampanan ni Rafael sa “Dilim”. Aniya, “You have to watch the movie para ma-gets n’yo kung ano ’yun. It’s hard to explain my character. I like bad characters. I like the psychopaths. ’Yung hindi ko nagagawa in real life. Mabait naman kasi akong tao sa tunay na buhay. Well, I’d like to believe na mabait ako.”

Showing ngayong Miyerkules ang “Dilim” sa mga sinehan nationwide. Bida sina Rayver Cruz at Kylie Padilla, mula sa direksiyon ni Joey Reyes at prodyus ng Regal Entertainment. Tampok din sina Joross Gamboa, Ella Cruz at Natalie Hart.

Kulang pa ang effort
Sabi ni KC Concepcion, binantayan siya ni Paulo Avelino noong na-confine siya sa hospital. Nagka-dengue si KC at aniya, gabi-gabi’y andoon si Paulo.

Pero hindi pa raw “sila” at nasa friendship level pa lang sila. Kailangan daw kasing kilalanin muna nilang mabuti ang isa’t isa.

Mukhang kulang pa ang effort na ginagawa ni Paulo para makuha niya nang buung-buo ang tiwala at pagmamahal ni KC. Ano pa kaya ang kailangang gawin ni Paulo?

comments