Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Derek, ex-wife nagkaayos na

Derek, ex-wife nagkaayos na

LUIS Manzano

BUKOD sa “Darna: The Movie,” gagawa rin si Angel Locsin ng pelikula with her future mother-in-law, Governor Vilma Santos-Recto. Ito’y ayon kay Luis Manzano, boyfriend ni Angel at anak ni Gov. Vi.

Next year, uumpisahan ni Angel ang “Darna” for Star Cinema. Ewan lang kung kailan ’yung sa kanila ni Gov. Vi. Kailan naman kaya ang pinakahihintay na marriage proposal ni Luis kay Angel? Anang aktor, marami pang gagawin ang kanyang GF, kaya binibigyan niya ito ng sapat na panahon.

About their marriage plans, ani Luis, gusto niyang maging natural at organic. Ayaw niyang makisabay o makiuso sa mga marriage proposal at/o wedding announcement. May idea na si Luis sa gagawin niyang marriage proposal kay Angel.

Tungkol naman sa pagpasok niya sa politics, marami ang kumakausap sa kanya, anang binata. He stressed na walang nag-i-influence sa kanya. If ever pasukin niya ang larangan ng pulitika, sarili niyang desisyon ’yun.

Nagkausap na sila ng kanyang tito Ralph (Senator Ralph Recto) at mommy Vilma at aniya, suportado siya ng mga ito .

DEREK Ramsay

Nagkaayos na

ALL’S well that ends well. Nagkaayos na ang estranged couple na sina Derek Ramsay at Mary Christine Jolly. Kapuwa na nila iniurong ang mga kaso laban sa isa’t isa.

Nag-post si Derek sa kanyang Instagram account ng picture nila ng 11-year-old son niyang si Austin Gabriel. Ang ganda ng ngiti ng guwapitong bagets na parang may iniaabot sa kanya si Derek. Ang caption niya: “Today is the best day of my life. Thank you for all the prayers. God is good. Proud dad.”

Naunang post ni Derek bago sila nagkaayos ni Mary Christine ay ganito: “The truth will always prevail. Brighter days ahead. Have a great day guys.”

Pwede nang mag-bonding sina Derek at Austin Gabriel at anang aktor, inspirasyon niya ito sa pagtatrabaho. He wants the best for his son.

Si Derek ang host ng “The Amazing Race Philippines” (TARP) at naaliw kaming panoorin ang episode noong Miyerkules. Parang magsyotang nag-away sina Kelvin Engles at JP Duray ng Team Mr. Pogi.

Papunta sila sa Pangasinan para hanapin ang bantayog ni Douglas McArthur at dala marahil ng matinding pressure sa haharapin nilang challenge, naging magaspang ang pagtatanong ni JP sa mga tagaroon. Sinigaw-sigawan siya ni Kelvin at sinabihang magrelaks at huwag sumigaw, gayung siya (Kelvin) mismo ang galit na galit at sigaw nang sigaw. ’Kaloka!

Sana’y huwag agad silang matanggal sa race dahil kuwela ang mga episode ng TARP dahil sa kanila. TARP airs nightly sa TV5 at 9 p.m.

Aljur Abrenica

Nasulsulan lang daw

From the grapevine, gusto na raw makipag-ayos ni Aljur Abrenica and his camp sa GMA Network. Ayon sa isang source, tila nahimasmasan na raw si Abrenica at na-realize na wrong move ang ginawa niyang pagkalaban sa kanyang mother studio.

Months ago, nagdesisyon si Aljur na magpa-release ng kanyang kontrata sa GMA kahit hanggang 2016 pa ang bisa nito. Ang kanyang dahilan, hindi na siya masaya sa pagtatrabaho sa Kapuso Network.

Ayon sa source, nasulsulan lang daw si Aljur na magpa-release ng kontrata sa GMA. Diumano’y pinapaniwala si Aljur na mas makakabuti ito sa kanyang career. Pero waley at nganga dahil naging frozen delight si Aljur.

Sana nga, totoong gusto na niyang makipag-ayos sa GMA. Hindi rin naman siya pwedeng lumipat sa ibang network dahil may existing contract pa siya sa GMA. Sa isang TV commercial lang napapanood si Aljur with Marian Rivera, Christian Bautista and Iya Villania.

comments