Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Nabuhay ang career

Nabuhay ang career

ELLEN Adarna

FEELING ni Ellen Adarna, mas nagkaroon siya ng career nang lumipat siya sa ABS-CBN. Agad-agad ay nabigyan siya ng project at itinampok siya sa “Moon of Desire” with JC de Vera and Meg Imperial. May bago na naman siyang teleserye at kasama siya sa cast ng “Pasion de Amor.”

May pelikula rin siya sa Star Cinema, “Beauty in a Bottle” with Angelica Panganiban, Assunta de Rossi, and Angeline Quinto.

Isang major milestone sa career ni Ellen ang pagiging calendar girl ng Ginebra San Miguel para sa 2015. Aniya, sobrang happy at overwhelmed siyang bahagi na siya ng mga iconic at seksing babae na nag-pose sa legendary at pinakaaabangang kalendaryo ng San Miguel.

“Sobra akong ganado ngayong bahagi na ako ng colorful history ng Ginebra San Miguel,” wika ni Ellen. “Confident at humbled ako at the same time sa tiwalang ibinigay sa akin ng Ginebra San Miguel.”

Tatlong sexy calendar posters ni Ellen ang inilabas ng Ginebra San Miguel, Inc. (GSMI) in line sa 180th anniversary nito na ang tema ay “Ganado sa Buhay.” Ito’y bilang tribute sa mga hard working Pinoy na nagtatrabaho para sa kanilang pamilya.

Hindi pasaway

Hindi insecure kundi excited si Ruru Madrid sa “Starstruck 6.” Produkto siya ng isa ring artista search ng GMA7, ang “Protégé” na kung tama ang pagkatanda namin, si Phillip Salvador ang kanyang mentor.

Pabirong sabi ni Ruru, baka raw marami siyang makitang prospects (liligawan) sa bagong batch ng “Starstruck.” Kidding aside, sabi ng GMA Artist Center talent wala pa sa isip niya ang lovelife. Career muna at hindi siya nakikipagkumpitensiya kahit kaninong GMA talent.

“Ayokong isipin ’yun. Basta ginagawa ko ang best ko sa pag-arte. Parating 100% ang ibinibigay ko. Hindi ako pasaway,” saad ni Ruru.

By the way, napanood namin siya sa “Magpakailanman” at mahusay ang pagkaganap ni Ruru. Mai-push lang nang husto ang kanyang career, chances are, magiging next important star siya ng GMA.

May pag-asa pa kaya?

Kung nagkaayos na ang estranged couple na sina Derek Ramsay at Mary Christine Jolly, kailan naman kaya sina Raymart Santiago at Claudine Barretto? May pag-asa naman kayang magkaayos sila?

Noong namatay ang mommy Celing ni Raymart, hindi nagpunta sa lamay at libing nito si Claudine. Ang katwiran niya, hindi na naman niya pamilya ang mga Santiago.

Nagbanta rin si Claudine na huwag lang pahuhuli sa kanya sina Raymart at Bettina Carlos. Nali-link kasi ang dalawa kahit pareho na silang nag-deny na may “something” sila.

The latest we heard, nagbabalak daw si Claudine na magsampa ng panibagong kaso laban kay Raymart. Tila may kinalaman diumano sa mga sasakyan ng estranged couple.

comments