Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Rey Abellana to Tom: ‘Good luck sa inyo ni Carla’

Rey Abellana to Tom: ‘Good luck sa inyo ni Carla’

Rey PJ AbellanaSIR Rey ang tawag ni Tom Rodriguez kay Rey Abellana noong nag-guest ang huli sa “Don’t Lose the Money” na ipinalabas noong Lunes (Oct. 27).

Daddy ni Carla Abellana si Rey at pinayuhan nito si Tom na dapat ay mag-focus muna ito sa career. Mahalin ang trabaho para marami pa siyang mapasaya sa industriya.

“Good luck sa inyo ni Carla,” sambit pa ni Rey na ikinangiti ni Tom.

Ibig kayang sabihin, boto si Rey kay Tom for his daughter? O, kailangang mag-effort pa si Tom para maging buung-buo ang pagtanggap sa kanya ni Rey?

Incidentally, kasama si Rey sa “More Than Words,” bagong teleserye na pagbibidahan nina Elmo Magalona at Janine Gutierrez sa GMA7. Reunited si Rey sa dati niyang ka-love team na si Leni Santos. Isa sila sa hottest screen love teams noong Dekada ’80.

Off-camera, parehong non-showbiz ang naging partners nina Rey at Leni. Si Rea, anak ng former LVN actress na si Delia Razon, ang napangasawa ni Rey at isa si Carla sa dalawang naging anak nila. Hiwalay na sina Rey at Rea at may bago nang pamilyasi Rey.

Si Leni ay dalawa ang anak sa kanyang non-showbiz husband.

Tumanggi
Hindi naman siguro hahayaan ng ABS-CBN na lumipat sa ibang network si John Lloyd Cruz. Matatapos na ang kanyang kontrata sa Kapamilya Network at totoo kaya ang tsikang diumano’y wala pang nakalatag na bagong kontrata para sa aktor?

Supposedly, kasama si JLC sa isang bagong teleserye with Jericho Rosales. Pero tinanggihan niya. Nilinaw naman ni JLC na hindi si Jericho ang tinanggihan niyang makasama, kundi aabutan daw kasi ng pagtatapos ng kanyang network contract ang project.

Ano raw ba ’yun? Magtatrabaho siya na walang kontrata? Hindi naman siya siguro aalukin ng bagong project kung walang balak ang network na i-renew ang kontrata niya.

By the way, magkasamang magbabakasyon sina John Lloyd at Angelica Panganiban sa United States this November. Birth month ni Angelica at doon na rin siya magse-celebrate ng kanyang birthday. Ipapakilala rin ng aktres ang kanyang boyfriend sa kanyang daddy na naka-base sa US.

Mapapanood si Angelica sa “Beauty in a Bottle” na showing today sa mga sinehan nationwide. Tampok din sina Angeline Quinto at Assunta de Rossi.

Insecure
Nagkaroon pala ng (psychological) disorder si Assunta de Rossi noong bata pa siya. Aniya noong nag-guest siya sa show ni Vice Ganda, feeling niya noon ay bobita siya, kaya nawalan siya ng self-confidence. Nagkaroon siya ng insecurity. Mababa ang self-esteem niya.

Palipat-lipat daw kasi sila ng bansang tinirahan nila. Dating US navy ang kanyang daddy, kaya gano’n ang naging buhay nila, ayon kay Assunta. Palipat-lipat din siya ng iskuwelahan, kaya naguluhan siya. Iba’t ibang language kasi ang naririnig niya at may mga nambu-bully pa sa kanya.

Noong nag-artista siya, naging secure na siya sa kanyang sarili at nagkaroon na siya ng self-confidence, ani Assunta.

Guest din si Angeline Quinto sa show ni Vice Ganda na inokray-okray ni Vice. Parang si Rufa Mae Quinto ang peg ni Angeline sa kanyang pagbobobita-bitahan.

Mukhang type ni Erik Santos ang mga bobita. Joke! Ex-girlfriend niya si Rufa Mae at kung paniniwalaan si Angeline na boyfriend niya ngayon si Erik, eh, di sige!

Sabi ni Angeline, mas mahal niya ang kanyang sarili. Talagang nag-e-effort siyang magpaganda at magpapayat. Pero kung gugustuhin daw ni Erik na magpataba siya, go! Owwsss!!!

comments