Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Carla’s dad quiet lang sa ‘pagwawala’ ni Tom

Carla’s dad quiet lang sa ‘pagwawala’ ni Tom

Rey PJ Abellana

HINDI pala alam (o nagmaang-maangan lang kaya?) ni Rey “PJ” Abellana ang isyung diumano’y nagwala si Tom Rodriguez sa taping ng “Don’t Lose the Money.”

Diumano’y na-bad trip si Tom dahil pilit siyang pinaamin ni Rey noong nag-guest ito sa naturang game show sa tunay na estado ng relasyon nila ng anak nitong si Carla Abellana.

Lumabas ang tsikang diumano’y nagbasag ng mga plato sa dressing room si Tom at nabutas pa niya ang mesa.

Sa presscon ng “More Than Words,” hiningan ng entertainment writers si Rey ng reaction hinggil doon. Aniya, hindi niya alam na may gano’ng insidente. Joke lang daw niya ’yung pagpapaamin kay Tom sa estado ng relasyon nila ni Carla. Isang miyembro raw ng staff ng DLTM ang nagpatanong sa kanya.

Ayon kay Rey, pabulong siyang sinagot ni Tom sa estado ng relasyon nito at ni Carla. Pero ayaw niyang (Rey) i-share kung ano at hintayin na lang daw na mismong sina Tom at Carla ang magsabi kung ano talaga ang namamagitan between them.

“He (Tom) seems nice. It seems Tom is a good person. Magaan ang dating niya,” sambit ni Rey. Aniya pa, gusto niyang kilalaning mabuti si Tom.

Samantala, balik-tambalan sina Rey at Leni Santos sa “More Than Words.” Happy at excited si Rey sa muling pagtatrabaho nila ni Leni.

Marami ang nag-akalang reel-and-real love team sila noon. Ani Rey, hanggang screen love team lang sila ni Leni.

janine gutierrez

Di selosa, makulit lang
Kakaibang Janine Gutierrez ang mapapanood sa “More Than Words.” Kumawala siya sa kanyang pa-sweet image at kikay ang role niya sa MTW.

Iba rin ang itsura niya… makapal ang mga kilay, buhaghag ang kulut-kulutang mahabang buhok at pangit ang mga ngipin.

Ayon kay Janine, isang oras ang make-up transformation niya. Nagulat nga raw sa itsura niya si Elmo Magalona noong una siyang nakita nito sa set ng MTW. Nag-joke pa raw ito na magkita na lang sila after ng taping kapag hindi na siya in character bilang Ikay at siya na si Janine Gutierrez.

Positive si Janine na makakatulong sa career nila ni Elmo ang pag-amin nito sa kanilang relasyon. Nagulat nga raw siya, at the same time, natuwa, flattered na inamin ni Elmo. Good thing daw na love team sila at magkakatulungan sila sa kanilang career.

Noong bago pa lang ang kanilang relasyon ay binalak nilang itago ito. Inisip nilang baka panay na lang tungkol sa kanilang relasyon ang itanong ng press.

But then, showbiz couple sila at pag-uusapan talaga ang kanilang relasyon. Six months na sila together at going strong, ayon kay Janine. Aniya pa, hindi siya selosa, makulit lang.

Winter wedding
Kung hindi pa nabalitang magpapakasal na si Jewel Mische na dating Kapuso star at produkto ng “Starstruck” na lumipat sa Kapamilya Network at ex-girlfriend ni Richard Gutierrez, nawala na siya sa kamalayan ng madlang pipol. Out of sight, out of mind kasi sa showbiz.

Matapos itampok si Jewel sa ilang TV series ng ABS-CBN, nanamlay ang kanyang career hanggang naging bituing walang ningning siya.

Sa interbyu kay Jewel ng “Yes” magazine December 2014 issue, nalamang winter wedding ang magaganap sa kanila ng American fiance niyang si Alister na taga-Michigan, USA kung saan sila nagkakilala.

Nag-aral si Jewel sa Cathedral of Praise College ng Classical and Christian Music.

Sa naturang magazine, Jewel was quoted as saying, “We haven’t kissed. We’re waiting for our wedding day. I’ve never been this happy. I’ve never been this sure.”

Ang fiancé niya ang nag-propose ng idea of not kissing before they tie the knot. Conservative ang peg???

comments