Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Julian nilaglag ang kanyang daddy Jinggoy

Julian nilaglag ang kanyang daddy Jinggoy

Julian Estrada

’KAALIW si Julian Estrada noong presscon ng “Relaks, It’s Just Pag-ibig.” Inilaglag niya ang kanyang daddy (Senator Jinggoy Estrada) nang tanungin ng entertainment writers kung ano ang kaibahan niya sa kanyang daddy Jinggoy.

“Mataba siya. Mas sexy ako sa kanya. Suplado si daddy, mas friendly ako. Magaling lang kumanta si daddy,” wika ni Julian.

“Mas friendly ang daddy mo, huh!” sabi ng isang reporter. “Ikaw nga ang mukhang suplado.”

“Hindi lang po ako komportable pag hindi ko pa masyadong kilala ang isang tao. Naiilang ako,” katwiran ni Julian.

Naging seryoso ang bagets nang may nagsabing sayang at hindi mapapanood ng kanyang daddy ang “Relaks, It’s Just Pag-ibig.”

“Oo nga po. May pinagdaraanan ngayon si daddy. But I believe, he’s innocent at makakalabas siya (nakakulong si Senator Jinggoy sa custodial center ng PNP).”

Ayon kay Julian, gabi-gabi’y ipinagdarasal niya na sana’y makalaya na ang kanyang daddy.

Nagmahalan sila
Nang tanungin naman si Julian kung na-in love na ba siya, aniya’y isang beses pa lang. Kaya lang, naudlot ’yun at pinayuhan daw siya ng kanyang daddy Jinggoy na bata pa siya, huwag muna siyang magseryoso at marami pa siyang pagdaraanan sa pag-ibig.

Si Julia Barretto ba ’yun? Nagmahalan ba sila?

“Oh! My God, yes!” bulalas ni Julian.

Natatandaan pa naming parang stalker noon si Julian at kung nasaan si Julia ay sinusundan niya ito. Naudlot ang pagsasama nila sa isang teleserye ng ABS-CBN, kaya naudlot din ang kanilang pagmamahalan.

Wala siyang girlfriend ngayon, ayon kay Julian. “Bigla mo na lang mararamdaman ang love,” sabi ng 18-year-old son ni Senator Jinggoy Estrada.

Fourth year high school sa OB Montessori si Julian. Napanood siya sa “She’s Dating the Gangster” at may bagong proyektong nakahain sa kanya matapos ang “Relaks, It’s Just Pag-ibig.”

ERIKCA VILLONGCO

Bad break-up
Ex-girlfriend ni James Reid si Ericka Villongco, former member ng acoustic duo na Krissy & Ericka. Ericka is 21 years old at aniya, three years ang naging relasyon nila ni James. She was 18 years old then.

Ani Ericka, walang third party involved sa kanilang break-up at walang kinalaman si Nadine Lustre. Mutual decision nila ni James ang maghiwalay dahil gusto nilang mag-focus sa kanilang respective careers, sambit ni Ericka sa presscon ng “Relaks, It’s Just Pag-ibig.”

It was a bad break-up, ayon kay Ericka na hindi nag-elaborate. Gusto muna niyang mag-focus sa kanyang sarili, anang dalaga.

”I’m doing fine now. I want to go back to school,” sambit ni Ericka. Aniya pa, hindi pa siya open makipag-date sa ibang guy (or guys).

Happy at proud siya kay James sa success na tinatamasa nito ngayon sa career at sana raw ay magtuluy-tuloy na ’yun.

Fashion blogger din si Ericka na pinasok na rin ang mundo ng pag-arte sa “Relaks, It’s Just Pag-ibig (RIJP).” She plays Cupcake na may gusto kay Inigo Pascual. Makikigulo siya sa pag-iibigan nina Inigo at Sofia Andres.

Directed by Antoinette Jadaone and Irene Villamor, tampok din sa RIJP sina Smokey Manaloto, Pia Magalona, Earl Ignacio at Alessandra de Rossi. Produced by Spring Films at distributed ng Star Cinema, palabas na ito simula sa Nov. 12 sa mga sinehan nationwide. May mall show on Nov. 9 sa SM Fairview.

comments