Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Si Kris ang ninang, si Ai-Ai, bridesmaid

Si Kris ang ninang, si Ai-Ai, bridesmaid

WALA pa rin si Governor Vilma Santos-Recto sa listahan ng mga ninang sa kasal nina Dingdong Dantes at Marian Rivera on Dec. 30 this year. Si Kris Aquino ang pinakabagong nadagdag sa mga ninang at pinuntahan pa siya nina Dingdong at Marian sa set ng pelikulang ginagawa niya para sa 2014 Metro Manila Film Festival.

Kung ninang si Kris, bridesmaid naman si Ai-Ai delas Alas. Older si Ai-Ai at 50 years old na siya, samantalang 43 (or 44?) lang si Kris. Di kaya na-offend si Kris?

Magkikita sina Kris at Ai-Ai sa wedding nina Dingdong at Marian, magbatian kaya sila? Wala sanang may magpa-proxy para maiwasan ang isa’t isa. Abang-abang na lang pag may time.

elmo janine

Okey lang
Okey lang kay Elmo Magalona makatrabahong muli ang former ka-love team niyang si Julie Ann San Jose kasama ang girlfriend niyang si Janine Gutierrez. No problem, ayon kay Elmo, nang nakausap namin ito sa presscon ng “More Than Words.”

Aniya pa, deadma na lang sila ni Janine sa fans ni Julie Ann na nangba-bash sa kanila, lalo na kay Janine.

“Hindi na lang namin pinapatulan ang bashers,” ani Elmo. “Basta kami ni Janine, positive thinking lang.”

Okey rin kay Elmong makatrabaho ang ex-girlfriend niyang si Lauren Young bagaman hindi nila inamin ang naging relasyon nila. Aniya, okey naman sila ni Lauren, friends sila.

Okey rin daw sina Lauren at Janine. Nagkita pa ang dalawa noong birthday celebration ng mommy (Pia Magalona) ni Elmo.

Aware ba siya sa intrigang diumano’y hindrance sa kanyang career ang kanyang mommy Pia? Sobrang demanding daw at choosy ito sa pagtanggap ng projects for him, kaya hindi makatodo nang bonggang-bongga ang kanyang career.

“Manager ko si mommy at alam niya what is best for my career. I don’t think, hindrance siya sa career ko. I trust her sa pag-handle niya sa career ko,” wika ni Elmo.

Sa Nov. 17 na ang airing ng “More Than Words” pagkatapos ng “24 Oras” sa GMA7. Light drama-romance-fantasy ito at siyempre, may kilig moments ang reel-and- real-life love team na sina Elmo at Janine.

inigo sofia

Na-intimidate
Co-producer ng Spring Films si Piolo Pascual at personal choice niya si Sofia Andres para maging love interest ng anak niyang si Iñigo Pascual sa “Relaks, It’s Just Pag-ibig.”

Ani Sofia, honored at sobrang blessed siya na pinili siya ni Piolo. Intimidated at starstruck nga raw siya noong una niyang nakita in person ang aktor.

“Ang guwapo niya kasi,” ani Sofia. Hiya-hiyaan pa raw siya nang lumapit kay Piolo at nagpakilalang siya si Sofia Andres.

May cameo role si Piolo sa “Relaks, It’s Just Pag-ibig” bilang suporta sa anak niyang si Iñigo.

comments