Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Mark walang pakialam sa nanay ng anak n’ya

Mark walang pakialam sa nanay ng anak n’ya

Amy PerezSI Regine Velasquez kaya ang peg ni Amy S Perez noong kasal nila ng long-time live-in partner niyang si Carlo Castillo?

Sa pagkatanda namin, noong kasal nina Regine at Ogie Alcasid four (or five?) years ago, naka-rubber shoes si Regine. Naka-rubber shoes din si Amy noong kasal nila ni Carlo.

Red ang bridal gown ni Regine, samantalang white (or off-white?) ang kay Amy. After the long wait ay naikasal na rin sina Amy at Carlo. Dalawang lalaki na ang anak nila. Lalaki rin ang anak ni Amy sa exhusband niyang si Brix Ferraris.

Present sa wedding nina Carlo at Amy si Lorna Tolentino na pinsan ng huli. Sa isang interbyu namin kay LT, sinabi niyang ayaw na niyang mag-asawang muli. Happy na siya sa pagiging biyuda forever ng namayapa niyang husband-actor na si Rudy Fernandez.

Kamag-anak din nina LT at Amy si Zsa Zsa Padilla na mala pit na ring magpakasal sa non-showbiz boyfriend niyang si Architect Conrad Onglao. Balitang next year (2015) ang planong pagpapakasal ng dalawa. Eight months na sila together.

Happy Christmas this year for Zsa Zsa dahil may lovelife na siya. Three years malungkot ang Pasko niya dahil sa pagkamatay ng lovey niyang si Dolphy.

MARK Herras

Anak lang ang mahal?
Mahirap ang kalagayan ng nanay ng anak ni Mark Herras na si Baby Ada. Hindi siya mailantad at maipagmalaki ni Mark. Noong first birthday celebration ni Baby Ada, pictures lang ng mag-ama ang mga naglabasan. Wala ang nanay ng bagets.

Isang mahalagang okasyon ‘yun para sa kanilang anak, pero parang walang participation ang nanay ni Baby Ada. Ang babaw na katwiran ni Mark na hindi naman showbiz ang nanay ng anak niya, kaya gusto nito ng pribadong buhay.

Dumalo sa birthday party ni Baby Ada ang batch mates ni Mark sa “Starstruck 1” na sina Yasmien Kurdi at Katrina Halili with their respective daughters. No show si Jennylyn Mercado. ‘Andun din sina Enzo Pineda, Kris Lawrence, Kristoffer Martin at iba pang Kapuso stars.

Sa isang panayam kay Mark, sinabi niyang wala siyang ipinangako sa nanay ng anak niya. Basta nakafocus siya kay Baby Ada. Mahal na mahal niya ang kanyang anak at gagawin niyang lahat para mabigyan ito ng magandang kinabukasan.

Eh! ang nanay kaya ng bagets? Nganga???

Mga bida na
Kung sa past movies na ginawa nila’y support lang sila ng bida o di kaya’y sidekick, lead roles na sila sa comedy-action movie na “Gangster Lolo.” Pinagsama-sama rito sina Leo Martinez, Bembol Roco, Rez Cortez, Pen Medina, Soxie Topacio, at Boy Alano.

Leo plays Asiong Salon pas at gangmates niya ang mga nabanggit na aktor. Sila ang mga lolong gangster na nahuli at nakulong dahil sa perang ninakaw nila. Itinago ni Boy ang pera sa isang lumang tenement building.

Dahil sa pagpapakabait nila sa kulungan ay nakalabas sila. Samasama silang tumira sa tenement. Ipinamigay nila sa mahihirap na tenants ang itinago nilang pera sa tenement.

Nang sugurin ang kanilang grupo ng mga masasamang loob ay tinulungan sila ng mga tenant. Napasabak sila sa aksiyon at umaatikabong bakbakan. “Gangster Lolo” is directed by William Mayo. Produced by Cosmic Raven Ventures Productions nina Randy at Marilou Nonato at Rylan Flores, palabas ito sa mga sinehan on Nov. 19.

comments