Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Jaclyn is kikay mom

Jaclyn is kikay mom

JACLYN Jose

HINDI lang ang kikay karakter ni Janine Gutierrez ang kaabang-abang sa “More Than Words” na magsisimula ngayong Lunes pagkatapos ng “24 Oras.” Ibang Jaclyn Jose rin ang mapapanood bilang kikay at eccentric mother ni Janine.

’Kaaliw si Jaclyn sa ipinapakitang trailer ng MTW. Kung kinainisan siya bilang matapobreng senyora sa katatapos na “Ilustrado,” mamahalin at kababaliwan naman ang karakter ni Jaclyn sa MTW.

Sobrang thankful ang versatile actress sa GMA sa sunud-sunod na trabahong ibinibigay sa kanya. Since lumipat siya sa Kapuso Network, never pa siyang nabakante. Professional kasi si Jaclyn at never naging sakit ng ulo ng production staff. Masarap at magaan siyang katrabaho.

Paulit-ulit
Paulit-ulit na parang sirang plaka ang pagtanggi nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado na nagkabalikan sila. And yet, paulit-ulit din ang isyung ito sa kanila.

Parehong mahilig ngayon sa triathlon sina Dennis at Jennylyn, kaya hindi maiwasang nagkikita sila sa mga event. Kamakailan nga’y nakita silang magkasamang nag-hiking sa Sierra Madre.

Ayon pa sa mga nakakarating na tsika sa amin, getting close again sa isa’t isa sina Dennis at Jennylyn. Kaya malamang daw na magkaroon ng second chance ang ex-lovers.

Natatandaan namin ang sinabi ni Jen sa isang panayam namin sa kanya na wala siyang record na nakipagbalikan sa kanyang ex-boyfriends. Kaya nga raw may break-up dahil tapos na ’yun (relasyon). Basta ngayon, okey sila ni Dennis as friends.

Kailan naman kaya sila magiging okey ni Luis Manzano?

Ikakasal na sa March next year si Patrick Garcia, father ng anak ni Jen na si Alex Jazz. Ring bearer ang bagets at sabi ni Jen, excited na siyang dumalo sa wedding ni Patrick and his non-showbiz fiancee.

Julian Estrada

Bitin!
Nagrereklamo ang fans ni Julian Estrada sa exposure niya sa “Relaks, It’s Just Pag-ibig.” Bitin daw sila dahil kalahatian na ng pelikula lumabas si Julian.

Akala raw nila’y pantay ang exposure nina Julian at Inigo Pascual. Sa mga hindi nakakaalam, ang Papa Piolo Pascual ni Inigo ang prodyuser, kaya hindi katakatakang mahaba ang exposure ni Inigo kesa kay Julian.

Kung si Senator Jinggoy Estrada raw kaya ang prodyuser, gano’n din kaya ang gawin niya? Well… Kahit maikli lang ang exposure ni Julian sa RIJP, ang lakas daw ng kanyang screen presence, ayon sa mga nakapanood ng movie. May killer smile si Julian at nangungusap ang kanyang mga mata.

Hindi raw nagsinungaling si Julian nang sabihin niya sa presscon ng RIJP na mas guwapo siya kesa sa kanyang daddy Jinggoy. Agree naman siguro si Senator. Wala nga siyang sey kapag sinasabi ng kanyang daddy (former president, now Manila Mayor Joseph Estrada na mas guwapo ito kesa sa kanya (Sen. Jinggoy). ’Yun na!

comments