Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Tatlong magkakapatid buntis

Tatlong magkakapatid buntis

CRISTINE Reyes

SO, inamin na rin ni Cristine Reyes na buntis siya. Ipinahayag niya ito sa ASAP 19. Pa-walkout, walkout pa siya sa premiere night ng isang pelikula niya noon nang tanungin siya ng press kung totoo bang buntis siya. Oo o hindi lang naman ang pwede niyang isagot.

Kaya pala, may pakiyeme effect pa siya noon na ayaw na niyang magpa-sexy. Tinanggihan pa niya ang isang teleserye kaya si Ellen Adarna ang ipinalit sa kanya.

Courtesy ng half-Pinoy, half-Persian boyfriend niyang si Ali Khatibi ang batang ipinagbubuntis ni Cristine. Totoo pala ang tsikang tatlo silang magkakapatid na buntis. Nauna nang nanganak ang sister nilang si Heidi. Susunod na si Ara Mina ngayong Disyembre. Next year naman si Cristine.

Parang teleserye
As expected, itinanggi ni Heart Evangelista ang tsikang masama ang loob niya sa GMA7 dahil diumano’y mas pinagtutuunan ng pansin ng network ang “Royal Wedding” nina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Ani Heart, malaki ang utang na loob niya sa Kapuso Network at malaki ang naitulong nito sa kanyang career simula nang lumipat siya roon. Kahit pa raw itsek sa YouTube, wala siyang sinabi sa mga interbyu sa kanya na masama ang loob niya sa GMA.

Hindi pa rin maawat ang fans and supporters nina Marian at Heart na tila gustung-gustong pinag-aaway sila. Pati ang kanilang pre-nuptial photos, ginawang isyu. Kesyo, sa Sorsogon lang daw kinunan ang kina Heart at Senator Chiz Escudero, samantalang sa Dubai kinunan ang pre-nuptial photos nina Dingdong at Marian.

Pati ang basbas ng respective parents nina Marian at Heart, isyu pa rin sa kanilang fans and supporters. Si Dingdong, namanhikan ang pamilya sa pamilya Rivera, samantalang hindi pa nakakapamanhikan ang pamilya ni Sen. Chiz sa pamilya ni Heart. Baka naman humahanap lang ng tiyempo si Sen. Chiz?

Isa pang isyu, mag-e-effort ang daddy ni Marian na dumalo sa kanyang kasal para ito ang maghatid sa kanya sa altar. Darating sa Dec. 26 ang daddy ni Marian. Dec. 30 ang altar date nila ni Dingdong.

Ang daddy ni Heart, bagama’t ibinigay nito ang blessing sa pagpapakasal niya kay Sen. Chiz, ay walang assurance kung dadalo sa kanyang kasal.
Ay, naku, mukhang hindi matatapos ang mga isyu sa pagpapakasal nina Marian at Heart sa kanilang respective fiances. Parang teleseryeng inaabangan ang mga kaganapan.

Lipat-balik
Lipat-balik ang Kapamilya at Kapuso stars. Balik-ABS-CBN sina Jolina Magdangal at Maxene Magalona mula sa GMA. Balik-GMA naman sina Iya Villania at Empress mula sa ABS-CBN.

Si Nadine Samonte na dating Kapuso at Kapatid star ay Kapamilya na ngayon. Gayun din si Marvin Agustin na umalis sa ABS-CBN, lumipat sa GMA, pumunta sa TV5 at ngayon ay balik-Dos na.

Lumipat na rin si Isabelle Daza sa Kapamilya Network na unang lumabas sa mga programa ng GMA. Matatapos na ang kontrata ni Iza Calzado sa ABS-CBN sa January next year at balitang gusto niyang bumalik sa GMA.

Naudlot naman ang paglipat ni John Prats sa GMA dahil diumano’y may mga bagay-bagay na hindi napagkasunduan ang network at ang ABS-CBN.

Inaabangan kung mananatili sa ABS-CBN si John Lloyd Cruz o kung lilipat siya sa ibang network. Nag-expire na ang kontrata niya sa Kapamilya Network last October this year.

Si Edu Manzano, balik-ABS-CBN din matapos siyang magtrabaho sa GMA at TV5. Abang-abang na lang kung sino-sino pa ang mga artistang lilipat at babalik sa GMA at ABS-CBN.

comments