Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Jake Cuenca: ‘Single again’

Jake Cuenca: ‘Single again’

JAKE Cuenca

SINGLE again ang post ni Jake Cuenca sa kanyang Twitter account. Hindi umabot sa one year ang relasyon nila ng model ex-girlfriend niyang si Chanel Olive Thomas.

April this year, buong ningning na ipinost ni Jake sa kanyang social media account ang kissing photos nila ni Chanel na ipinagmalaki niyang girlfriend niya. Huling nakitang magkasama sina Jake at Chanel sa nakaraang Cosmo 8 Sexiest Models Party.

Marami ang nagtatanong, bakit daw kaya hindi nagtatagal ang pakikipagrelasyon ni Jake? Bad break-up sila ni Melissa Ricks na buntis ngayon (o nanganak na ba?), courtesy ng kanyang non-showbiz boyfriend. Then, si Lovi Poe na happy ngayon with Rocco Nacino. Hindi nga inamin ni Lovi ang naging relasyon nila ni Jake.

Maxene Magalona

Single rin
Single rin ngayon si Maxene Magalona. Hanggang kailan naman kaya? Sa isang interbyu kay Maxene, sinabi niyang she was 17 years old noong una siyang nakipagrelasyon.

Ani Maxene, hindi nagtatagal na single siya dahil agad-agad ay nagkakaroon siya ng bagong boyfriend. Madali kasi siyang ma-in love. Sadly, siya raw ang iniiwan.

Noong nag-break sila ni Renz Fernandez, sinabi ni Maxene na hindi muna siya magbo-boyfriend. Focused daw muna siya sa kanyang career. A few months after they broke up, may bago na namang boyfriend si Maxene. Non-showbiz ’yun.

But then again, nag-break sila, kaya for now, single uli si Maxene. May pahayag na naman siyang hindi muna siya magbo-boyfriend at career muna ang focus niya. Kaya?

Hindi na tayo magugulat kung mabalitaan nating she’s dating again. Never naglihim si Maxene sa kanyang lovelife, kaya paborito siyang iniinterbyu ng entertainment press.

Angelica Panganiban

Best Actress
Nasa US pa’t nagbabakasyon si Angelica Panganiban with John Lloyd Cruz, kaya hindi niya personal natanggap ang kanyang trophy sa panalo niya bilang Best Actress sa nakaraang Cinema One Originals Film Festival Awards Night. Nanalo si Angelica sa performance niya sa indie movie na “That Thing Called Tadhana.”

Pinasalamatan ni Angelica sa pamamagitan ng kanyang Instagram account ang bumubuo ng Cinema One Originals Film Festival, ang direktor na si Antoinette Jadaone, ang buong production staff, si JM de Guzman na kasama niya sa naturang pelikula at lahat ng nanood ng pelikula.

Ginampanan ni Angelica ang papel bilang Mace, isang babaeng tatanga-tanga sa konsepto ng pag-ibig. Nakalaban niya sa best actress award sina Shamaine Buencamino sa pelikulang “Lorna” at ang transgender actress na si Mimi Juareza sa “Seoul Mates.”

Double nomination
Eight months nabakante si Kristoffer Martin sa paggawa ng teleserye, kaya sobrang excited siya sa bago niyang project sa GMA7, ang “Tunay Na Ina.” Huling teleserye ni Kristoffer ay “Paraiso Ko’y Ikaw” with Kim Rodriguez.

Reunited si Kristoffer and his ex-girlfriend na si Joyce Ching sa “Tunay Na Ina,” kaya naitanong sa young Kapuso actor kung posible kayang magkabalikan sila ni Joyce?

“Hindi ko masabi. Single pa ba siya?” balik-tanong ni Kristoffer.

May double nomination nga pala si Kristoffer sa PMPC Star Awards for TV. Nominated siya for Best Actor sa “Kahit Nasaan Ka Man” at Best Single Performance by an Actor sa “Siga Noon, Beki Na Ngayon” episode ng “Magpakailanman.” Gaganapin ang Awards Night ngayong Linggo (Nov. 23) sa Solaire Resort Casino.

comments