Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Ruffa-Jordan romance lantaran na; Annabelle tutol

Ruffa-Jordan romance lantaran na; Annabelle tutol

PAALIS na next month papuntang Dubai ang anak ni Derek Ramsay na si Austin Gabriel. Habang narito pa ang bagets, sinusulit ni Derek ang bonding moments nilang mag-ama. Namamasyal sila out of town.

Isinama pa ni Derek si Austin sa isang Frisbee tournament. Hindi raw mahilig ang bagets sa sport, gusto lang niyang makita ng anak kung anong klaseng laro ito.

Daddy na ang tawag sa kanya ni Austin, kaya sobrang happiness ang nararamdaman ni Derek bilang ama. Kaya naman, todo effort ang pagpapakita at pagpaparamdam niya kay Austin ng pagmamahal.

Magbubukas ang klase sa Dubai sa January kung saan nag-aaral si Austin, kaya kailangan niyang umalis na next month with his mom (Mary Christine Jolly).

RUFFA Gutierrez

Lantaran na
Lantaran na ang relasyon ni Ruffa Gutierrez at ng French boyfriend niyang si Jordan Mouyal. Wala nang nagawa si Annabelle Rama kahit malaki ang pagtutol niya. Sabi ni Ruffa, matanda na siya para panghimasukan ang lovelife niya. Oo nga naman!

Mukhang sobrang in love nga si Ruffa sa kanyang BF, kaya talagang ipinaglalaban niya ito sa kanyang mommy. Si Annabelle lang naman ang may ayaw kay Jordan. Ruffa’s dad Eddie Gutierrez and her siblings ay tanggap si Jordan. Gano’n din ang mga anak niyang sina Lorin at Venice.

Very supportive at understanding ang BF niya, ayon kay Ruffa. Sana nga, si Jordan na ang Mr. Right for her. She deserves a second chance after her failed marriage. Wish lang ni Annabelle na hindi katulad ni Yilmaz Bektas (first husband ni Ruffa) si Jordan na nananakit physically.

ALJUR Abrenica and Louise delos Reyes

May something talaga?
Lantaran na rin daw ang relasyon nina Aljur Abrenica at Louise delos Reyes. Nakitang magkasama silang nanood ng concert ni Jonalyn Viray sa Music Museum.

Baka naman ang palusot nila’y nagkita lang sila roon para suportahan si Jonalyn?

Whatever! People in the know ay nagsasabing may namamagitang “something” kina Aljur at Louise. Si Louise ang hinihinalang naging dahilan ng hiwalayan nina Aljur at Kylie Padilla. Maski si Kylie ay naniwalang si Louise ang third party sa break-up nila ni Aljur.

Abang-abang na lang kung may dapat nga bang aminin sina Aljur at Louise. Matapos silang magtambal sa “Kambal Sirena,” wala pa silang individual projects. Frozen delight si Aljur matapos siyang maghain ng reklamo sa GMA7 at gusto niyang magpa-release ng kanyang kontrata.

Si Louise, sa SAS (“Sunday All Stars”) lang napapanood at pa-guest-guest lang muna sa mga programa ng Siyete.

Binubugbog
Lalong umiigting ang mga kaganapan sa “Yagit.” Labis ang pag-aalala ng mga yagit kay Ding sa patuloy na pambubugbog ni Ethel. Mag-iisip sila ng paraan para matulungan si Ding.

Lalapit sila kay Victor para makiusap na bigyan ng trabaho si Ethel. Hindi tutulungan ni Victor si Ethel. Tutok lang araw-araw sa “Yagit” pagkatapos ng “Half-Sisters” sa GMA7.

comments