Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Julie Anne tinanggihan ni Elmo

Julie Anne tinanggihan ni Elmo

Julie Anne San Jose

HINDI isyu kay Julie Anne San Jose kung hindi pwedeng magguest si Elmo Magalona sa kanyang “Hologram” concert na gaganapin on Dec. 13, 2014 (12.13.14) sa SM Mall of Asia (MOA). Na-inform naman daw siyang may prior commitment ang dati niyang ka-love team. Hindi masama ang loob niya kay Elmo at in good terms pa rin sila, ayon kay Julie Anne.

Itinanggi niyang iniyakan niya ang pagtanggi ng mommy cum manager ni Elmo na si Pia Magalona na mag-guest ang Kapuso actor. “Ayoko namang ma-stuck sa isang love team. Gusto kong masubukan ipareha sa iba,” saad ni Julie Anne.

Guests sa kanyang concert sina Christian Bautista, Sam Concepcion, Frencheska Farr at Abra. Nali-link sina Abra at Julie Anne pero anang huli, hindi niya alam kung bakit may gano’ng isyu. Friends lang sila at nagkikita lang sila occasionally. “Ayoko munang isipin ang lovelife. Marami akong priorities. Full load ako sa school. Busy ako sa paghahanda for my concert,” sambit ni Julie Anne.

Mixed emotions
Mixed emotions si Julie Anne San Jose sa gaganaping concert niya. Aniya, excited at kinakabahan siya. Siya ang kauna-unahang maghohologram concert sa Pilipinas, kaya very proud siya, ani Julie Anne. Opening number pa lang ay may pasabog na siya. Two hours ang show at 22 songs ang kakantahin niya.

The concert will be highlighted by an extravagant display of visual effects that will surely elevate the Philippine concert scene.

“Aside from the technological advancements, inaasikaso rin namin ang iba pang mga detalye ng show na talaga namang dapat nilang abangan sa December. Marami pa akong gustong ipakita sa fans ko na kaya kong gawin,” pahayag ng Kapuso star.

Mapupuno ba kaya ni Julie Anne ang SM MOA? Aniya, hindi raw mahalaga kung gaano kalaki ang venue ng kanyang concert. “Basta gusto ko lang magpasaya ng mga manonood,” saad ni Julie Anne.

“Hologram” is directed by Louie Ignacio, produced by GMA Network, Inc. and Tarroza Entertainment Productions.

Nega…
Dahil sa pagtanggi ni Pia Magalona na i-guest ang anak niyang si Elmo Magalona sa concert ni Julie Anne San Jose, negang-nega siya sa fans ni Julie Anne. Ano raw bang akala ni Pia sa anak niya, big star na? Baka raw dumating ang araw na si Elmo naman ang mangailangan ng suporta ni Julie Anne o ng kahit sino’ng kapwa Kapuso star nito, eh, tanggihan siya?

Bakit daw sunud-sunuran lang si Elmo sa kanyang mommy? Hindi ba raw pwedeng magsalita o magdesisyon si Elmo kapag may kinalaman sa kanyang career? Hindi ba raw siya aware sa sinasabi ng karamihang tao na ang mommy niya ang hadlang, kaya hindi makabongga nang todo ang kanyang career?

Noong nainterbyu namin si Elmo sa presscon ng “More Than Words,” sinabi niyang his mom knows best sa pagma-manage ng kanyang career. Oh! well…

May project ba?
Nagtatanong ang fans ni Martin del Rosario kung ano raw ba ang plano ng GMA7 sa kanyang career? Nag-guest lang siya sa “Rhodora X ” at sa iba’t ibang programa ng GMA.

Bakit daw wala pang bonggang project na ibinibigay kay Martin? From what we heard, may inilalatag na project for him, pero next year (2015) pa raw ’yun. Abang-abang na lang ang fans and supporters ni Martin.

Nakulong
Sa “Yagit,” malulungkot sina Elisa sa pagtanggi sa kanila ni Victor na tulungan si Ethel. Itatanggi ni Ding ang pambubugbog sa kanya ni Ethel. Magagalit siya sa mga kaibigan sa pagsusumbong ng mga ito kay Roman. Hinuli nito at nakulong si Ethel nang mapaaway ito sa kapitbahay.

comments