Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Marian nakakalimang bridal showers na

Marian nakakalimang bridal showers na

marian and dingdong

MAKAKAILAN kayang bridal shower si Marian Rivera bago ang kasal nila ni Dingdong Dantes on Dec. 30? Pang-limang bridal shower na ang ibibigay (o naibigay na?) ni Celia Rodriguez, isa sa mga ninang nila sa kasal.

Mukhang wala na talaga sa listahan ng mga ninang si Governor Vilma Santos-Recto. Bakit kaya? Ano’ng nangyari?

Si Marian lang yata ang may pinakamaraming bridal showers sa mga showbiz personalities na ikinasal at ikakasal. And take note, sa Hong Kong ’yung unang bridal shower niya at sa Singapore naman ’yung pang-apat.

Bigyan din kaya siya ng magkahiwalay na bridal showers nina Kris Aquino at Ai-Ai de las Alas? Ninang si Kris, abay naman si Ai-Ai.

Kahit may bridal gown na si Marian mula sa creation ni Michael Cinco, gusto pa rin siyang bigyan ni Dra. Vicki Belo na isa rin sa mga ninang sa kasal ng Kapuso Primetime Queen.

Nag-isnaban?
Sa presscon ng isang pelikula niya, itinanggi ni Carla Abellana na nag-isnaban sila ni Marian Rivera noong nag-guest ang huli sa “Ismol Family.”

Ani Carla, nagbatian sila noong nagkita sila sa studio. Wala nga lang daw eksenang magkasama sila ni Marian. Curious lang kami, bakit nga ba wala? May nag-request kaya o sinadya ng mga writer na walang magkasamang eksena sina Marian at Carla?

Pupunta ba siya sakaling imbitahin siya sa bridal shower ni Marian? Basta ba raw iimbitahin siya, why not? Hindi isyu sa kanya kung hindi siya kinuhang abay sa kasal ni Marian. Abay naman siya sa kasal ni Heart Evangelista kay Senator Chiz Escudero.

May gap?
Itinanggi rin ni Carla na may gap sila ng kanyang daddy Rey Abellana. May gano’ng tsismis kasi. Ani Carla, bihira silang magkitang mag-ama dahil pareho silang busy sa kani-kanilang trabaho. Nagte-text naman sila sa isa’t isa.

Tungkol naman sa estado ng relasyon nila ni Tom Rodriguez, nagpe-pray at humihingi pa siya ng sign mula kay Lord kung talagang handa na siyang makipagrelasyon, ayon kay Carla. Although, nakikita niya ang pag-e-effort ni Tom, gusto niyang kilalanin pa nang mabuti ang binata.

Sayang at nakalimutan o hindi naitanong ng press kay Carla kung tuloy ba ang pagpunta nila ni Tom sa Australia ngayong Nobyembre? Noong nakausap kasi namin si Carla sa taping ng “My Destiny,” sinabi niyang aalis sila ni Tom para manood ng concert ni Katy Perry sa Australia. Magbabakasyon na rin sila roon ng ilang araw kasama ang mommy niya (Carla) at kapatid.

Male at young viewers dumarami
Mas dumarami ang male at young viewers ng TV5 na tumututok sa sports at reality youth-oriented programs. Ito’y ayon sa three-year viewership data mula sa Nielsen Media. Mula 2012, pataas pa ang trend at ngayon ay pumatak na 77%.

Ang PBA games, boxing, MMA Matches at iba pang sports coverages, pati ang “The Amazing Race Philippines Season 2” ay dumami ang young viewers mula sa edad na two hanggang 29.

Tumaas din ng 31% sa national urban teen absolute viewership ang “Wattpad Presents.” Malakas din ang hatak nito at ng “The Amazing Race Philippines 2 sa youth segment online, lalo na sa social media. Very active sa Facebook ang young viewers (18-24 age gap).

comments