Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Jennica buntis na

Jennica buntis na

HINDI man personal na napuntahan nina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa Batangas si Governor Vilma Santos-Recto, tuloy ang pagnininang niya sa kasal ng dalawa on Dec. 30.

Ayon kay Gov. Vi, three Sundays ago, gusto siyang bisitahin ng “Royal Couple” para personal na kausapin, subalit siya (Gov. Vi) na rin ang tumanggi dahil may sakit siya.

Ani Gov. Vi, hindi na kailangang puntahan siya nina Dingdong at Marian. Basta tiniyak niyang dadalo siya sa kasal ng mga ito para mag-ninang. Hindi pwedeng hindi siya dadalo sa mahalagang event sa buhay ng kanyang baby Marian, ayon kay Gov. Vi.

Adopted mother
Adopted mother ng Taal, Batangas si Mother Lily Monteverde dahil sa suporta niya sa mga adhikain ni Gov. Vilma Santos-Recto. Mula noong naging mayor ng Lipa, Batangas ang Star for All Seasons hanggang naging governor, patuloy ang suporta ni Mother Lily.

“She (Gov. Vi) knows how much I love Taal and the entire province of Batangas,” ani Mother Lily. Nagpatayo pa siya ng Taal Imperial Resort Hotel kung saan nakapagbigay siya ng trabaho sa mga Batangueno. Meron ding scholars ang Regal Matriarch sa Batangas.

“Basta kay Vilma, all-out ang suporta ko. I am happy because, kahit nasa politics na siya, may oras pa rin siya sa mga kaibigan niya sa showbiz. I am very proud because I am her friend. Proud ako sa achievements niya bilang leader sa Batangas. She’s very dedicated, committed and nanay na nanay talaga ng Batangas,” pahayag ni Mother Lily sa belated birthday blow out niya para kay Gov. Vi. Presscon din ito para sa gaganaping “Ala Eh! Festival 2014” na pinamumunuan ng actress-politician. Week-long activities ito mula Dec. 1 hanggang Dec. 8.

Ayon pa kay Mother Lily, matagal na niyang gustong gumawa ng pelikula si Gov. Vi sa Regal Entertainment. Kinausap na raw niya si Malou Santos para makipagsosyo sa Star Cinema. Naghihintay pa rin siya ng kasagutan nito.

JENNICA Garcia

Magkakaapo na
Magiging lola na rin si Jean Garcia. Nag-post ang anak niyang si Jennica Garcia sa Instagram account nito na she’s five weeks pregnant sa panganay nila ng asawang si Alwyn Uytingco.

Ipinost pa ni Jennica ang picture ng ultrasound ng kanilang baby. Ikinasal sina Jennica at Alwyn on Feb. 12 this year.

Mapag-iinitan
Mamaya sa “Yagit,” mapagsasabihan ni Kardo si TomTom. Mag-aalala rin si Roman sa nangyari kina Ding at TomTom. Mapag-iinitan ng kapuwa preso niya si Ethel.

Tatanggihan ni Dolores ang alok ni Roman na mag-apply sa recruitment agency para sa overseas employment. Sasama na si Ding sa pagnanakaw ng mga batang hamog.

comments