Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Direk Joyce nawawala sa sarili with Vic around

Direk Joyce nawawala sa sarili with Vic around

MARIAN Rivera, Ryzza and Vic Sotto

FIRST time nagkasama sina Vic Sotto at Marian Rivera sa “Enteng Kabisote 2 (EK2)” na entry noon sa Metro Manila Film Festival. For the second time, magkasama na naman sila sa “My Big Bossing,” entry sa 2014 Metro Manila Film Festival.

Kung nag-enjoy siya noon sa EK2, sobrang nag-enjoy siya sa MBB, ayon kay Marian. Magkasama sila ni Vic sa “Taktak” episode ng trilogy movie na ito. Ninong si Vic sa kasal nina Marian at Dingdong Dantes, kaya naitanong sa Kapuso Primetime Queen kung may special treatment ba si bossing Vic kapag nasa set sila ng MBB?

“Ay! Wala. Pantay-pantay ang treatment niya sa aming mga artista. Kinuha namin siya ni Dong para mag-ninong sa kasal namin dahil naniniwala kaming magiging magandang ehemplo siya (Vic) sa aming pagsasama bilang mag-asawa,” ani Marian.

Nagmaasim ang katabi naming reporter. Kung magandang ehemplo raw si Vic, bakit naghiwalay sila ni Dina Bonnevie? Hindi ba raw chickboy si Vic? Baka raw siya pa ang maging peg ni Dingdong? Ay, ewan!

May nagtanong kung special din kaya ang wedding gift ni bossing Vic? “Kung anuman ang ibibigay niya, ido-donate namin ’yun sa foundation. Gusto ko lang i-share ang napag-usapan namin ng magiging asawa ko,” sambit ni Marian.

Flattered
Speechless at flattered si Vic Sotto nang sabihin ng isang entertainment writer na siya ang George Clooney ng Pilipinas. Marami raw kasi silang similarities. “It’s flattering and embarrassing. Pero thank you,” sambit ng TV host comedian.

Nang sabihin ng isa pang entertainment writer na hindi nagbabago si Vic sa kabila ng pagiging sobrang sikat niya, napangiti siya. “Sa tingin ko, sikat lang ako. Hindi sikat na sikat. Marami lang ang nakakakilala sa akin,” pa-humble niyang sabi. “Hindi ko rin iniisip na pogi ako, guwapo lang (laughs),” sambit pa ni bossing Vic.

Speechless uli siya nang sabihin ng entertainment writer na isa lang ang maipipintas sa kanya… playboy (babaero) siya. “Gusto mo, mag-name names ako?” pag-dare ng entertainment writer. “Huwag na!” nakangiting sabi ni Vic.

Open book naman ang lovelife ng TV host comedian at kung nakailang girlfriends na siya. Si Pauleen Luna ang current GF niya. Siya na kaya ang maging last and forever? Abang-abang na lang.

Starstruck
Aminado si direk Joyce Bernal na nai-in love siya sa mga nakakatrabaho niyang leading man sa mga pelikulang dinidirek niya. “Pero walang malisya ’yun. Walang patutunguhan,” aniya sa presscon ng “My Big Bossing.”

“Pag in love kasi ako, ang dami kong pangarap. Ang dami kong gustong gawin para sa pelikula. Ang dami kong iniisip. Parang everyday, homework sa akin,” sambit ni direk Joyce.

Talaga bang walang malisya pag nai-in love ka sa lead actor? “Pag wala na sila (Vic Sotto at Pauleen Luna). Joke! (laughs),” baling ni direk Joyce kina Vic at Pauleen.

Seriously, sinabi ni direk Joyce na bilang producer, hindi niya naramdaman kay Vic na imposing ito. Cool lang ito bilang prodyuser. Bilang isang actor, may presence raw si Vic. Starstruck nga raw siya kay bossing. “Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nakikita ko siya,” ani direk Joyce.

May laban ba si Vic sa best actor award sa 2014 Metro Manila Film Festival? “Oo naman!” confident na sagot ni direk Joyce. Wait and see na lang sa MMFF Awards Night.

Kapuso mall show
May Kapuso Mall Show today ang cast ng “Yagit” na sina Yasmien Kurdi, Wowie de Guzman, Judie dela Cruz, Jemwell Ventinilla, Chlaui Malayao, Zymic Jaranilla at Steph Yamut.

Gaganapin ito sa Xentro Mall, Lemery, Batangas at 4 p.m. Admission is free. Sugod na, mga Kapuso!

comments