Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Niño building a future for son Alonzo

Niño building a future for son Alonzo

Nino & Alonzo MuhlachCARBON copy talaga ni Niño Muhlach ang four-year-old son niyang si Alonzo. Plakadung-plakado ang mag-ama. Three years old si Niño noong nag-umpisa siyang mag-artista at naging child wonder noong late 70s at early 80s.

How time flies! Ngayon, kung ano’ng ginawa noon kay Nino ng kanyang daddy Alex, ginagawa niya ngayon sa anak niyang si Alonzo. Ayon kay Niño, iniipon niya ang kinikita ni Alonzo at pagdating ng tamang panahon, ipapakita niya sa anak kung magkano lahat ’yun.

Sa mga kinita noon ni Niño ay naipagpatayo siya ng kanyang daddy Alex ng El Niño apartelle. Meron din siyang trust fund noon. Hindi malayong magkaroon din ng building si Alonzo kapag pinalad siyang magtagumpay bilang child star tulad ng kanyang daddy Niño.

Ayaw masabihang stage father, kaya kinuha ni Niño bilang manager ng anak niya ang entertainment columnist na si Aster Amoyo. Buung-buong ipinagkatiwala niya kay Aster si Alonzo dahil alam niyang mapoprotektahan ito ni Aster na parang anak na rin ang turing kay Alonzo.

Di package deal
Magkasama ang mag-amang Nino at Alonzo sa “Prinsesa” episode ng “My Big Bossing.” Nilinaw ni Nino na hindi sila package deal. Si Vic Sotto raw ang nag-offer sa kanya ng role dahil naghahanap sila ng gaganap bilang kontrabida. Hindi na siya naging choosy at tinanggap niya ang role, ani Niño sa presscon ng MBB.

Aniya, wala sa plano niyang pag-artistahin si Alonzo. Di sana raw, tinuruan niya ito ng Tagalog. Inglisero kasi ang bagets. Ngayong nag-aartista na si Alonzo, kinakausap nila ito ng Tagalog sa bahay nila.

Ayon pa kay Niño, nag-umpisa si Alonzo sa “Bet on Your Baby.” Noong nangailangan ang “PBB All In” ng limang batang paaalagaan sa housemates, tinawagan siya ng ABS-CBN. Kung pwede raw si Alonzo pumasok sa PBB house for one week, four hours a day.

Inirekomenda naman ni Aster si Alonzo para makasama sa “My Big Bossing.” Nasa “Prinsesa” episode ang bagets with Ryzza Mae Dizon and Nino kung saan gumaganap ang huli bilang ama ni Alonzo. Maging child wonder din kaya si Alonzo tulad ng kanyang daddy Niño? Abang-abang na lang!

Bagong project
Ipinu-push ng GMA ang love team nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali, kaya pagkatapos ng first team up nila sa “Nino,” pinagsama silang muli sa “Ismol Family.”

Sa first quarter ng 2015, magpapakilig na naman ang tambalan nina Miguel at Bianca sa bago nilang project. Pinamagatang “Once Upon a Kiss,” tungkol ito sa young love na si Bb. Joyce Bernal ang direktor na bihasa na sa ganitong tema.

Gaganap si Miguel bilang Prince Pelaez at bilang Ella Rodrigo naman si Bianca. Tampok din sina Michael de Mesa, Manilyn Reynes, Keempee de Leon, Al Tantay, Tessie Tomas, Cris Villanueva, Marielle Pamintuan, Nova Villa, Gabby Eigenmann, Miggy Jimenez, Betong Sumaya, Sabrina Man, Maricar de Mesa, Frank Magalona at Mylene Dizon.

comments