Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Dennis at Jen: Walang balikan

Dennis at Jen: Walang balikan

derek ramsay and jennylyn mercado

CLUELESS si Derek Ramsay kung sino ang nagpalutang ng balitang babalik siya sa ABS-CBN. Aniya, hanggang March 2015 pa ang kontrata niya sa TV5 at may mga project pa siyang gagawin.

Hindi itinanggi ng Kapatid actor ang posibilidad na makagawa siya ng pelikula sa Skylight Films, sister company ng Star Cinema na movie arm ng ABS-CBN. Willing daw siyang mag-promote ng “English Only, Please” sa ABS-CBN kung papayagan siya. Entry ito sa 2014 Metro Manila Film Festival kung saan si Jennylyn Mercado ang kapareha ni Derek.

He’s turning 38 on Dec. 7 at for the first time ay makakasama niyang mag-celebrate ng kanyang birthday ang 11-year-old son niyang si Austin Gabriel. Aalis bago mag-Pasko papuntang Dubai ang bagets, kaya susulitin ni Derek ang bonding moments nilang mag-ama habang narito pa ang kanyang anak.

Nagkamali lang pero di nagpakatanga
Walang balikang naganap sa kanila ni Dennis Trillo, mariing sabi ni Jennylyn Mercado nang tanungin siya sa presscon ng “English Only, Please.” May mga sighting kasi sa kanilang dalawa na pinakahuli’y ’yung magkasama sila sa Sierra Madre.

Parehong kinahihiligan ngayon ng ex-lovers ang triathlon, kaya ani Jen, hindi maiiwasang magkita sila ni Dennis sa mga training nila. Matagal na silang nagkaayos at friends sila kahit hiwalay na sila.

“Ayoko nang magtanim ng galit sa puso ko. Masyadong mabigat. Mas masarap ang pakiramdam kapag walang namamahay na galit sa puso, walang bitterness. Chill lang,” saad ni Jen.

Aniya pa, hindi naman siya nagpakatanga noon sa pag-ibig. Nagmahal lang siya at siguro raw, may mga pagkakamali lang siyang nagawa.

“Dapat, may natututunan ka sa mga pinagdaraanan mo,” lahad ni Jen. “Sa ngayon, hindi pa ako handang mag-commit muli sa isang relasyon. Marami pa akong iniisip. Marami pa akong gustong gawin.”

Short-lived affair
Short-lived lang ang relasyon nina Rachelle Ann Go at Slater Young (ex-PBB housemate). Three months lang sila together, ayon kay Slater. Nag-on sila January at nag-break March this year.

Time difference ang sinabing dahilan ni Slater at mahirap talaga ang long-distance affair. Nagpunta sa London si Rachelle para sa kanyang “Ms. Saigon” stint. Nanood ang pamilya niya, ayon kay Slater. Botong-boto raw kasi ang mga ito kay Rachelle.

In any case, kasama si Slater sa cast ng “#Y” na iri-release ng Star Cinema sa mga commercial theater. Kasali ito sa nakaraang Cinemalaya Film Festival. Tampok din sina Elmo Magalona, Coleen Garcia, Kit Thompson at Sophie Albert.

comments