Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Miguel and Bianca game sa kissing scene

Miguel and Bianca game sa kissing scene

BIANCA Umali and Miguel Tanfelix

NAG-taping na sina Miguel Tanfelix at Bianca Umali ng “Once Upon A Kiss (OUAK),”bagong project nila sa GMA7 na ipapalabas sa January 2015. Sa Batangas at Cavite ang location shoot nila na si Bb. Joyce Bernal ang direktor.

“Ang sarap, masaya katrabaho si direk Joyce”ani Miguel sa pocket presscon ng OUAK . “Sobrang blessed ako na may bago akong project at si Bianca (Umali) uli ang kapareha ko. Salamat sa pagtitiwala sa amin ng GMA.”

May salitang kiss sa title ng bago nilang project, ibig bang sabihin, may kissing scene sila ni Bianca? “Hindi ko pa alam. Kung sakali, kukunsultahin ko muna ang parents ko (laughs),”saad ni Miguel.

Nanliligaw na ba siya kay Bianca? “Special friends lang kami. Happy at kuntento ako kung anuman meron kami ngayon. Pwedeng maging kami. Ayokong magpa-pressure sa ibang tao na gustong maging kami. Alam ko kung ano’ng makakabuti para sa amin,”lahad ng 16-year old Kapuso teenstar.

Ayaw pa magpaligaw
Bianca Umali is 14 years old na aniya, wala pa sa isip niya ang magpaligaw. Special friends sila ni Miguel at hanggang du’n lang muna ‘yun.

Happy si Bianca at sobrang thankful siya sa pagtitiwala ng GMA sa love team nila ni Miguel. Ani Bianca, kahit nag-taping na sila ng “Once Upon A Kiss,” hindi pa rin niya naa-absorb na may bago silang project. “Miguel and I are very close. We know each other very well at komportable na kami magtrabaho sa isa’t isa.”sambit ni Bianca.

Okey ba sa kanya kung magkakaroon sila ng kissing scene ni Miguel sa bago nilang project?

“Kung gugustuhin ng GMA at kung talagang kailangan, go! May tiwala naman ako kay direk Joyce na wholesome kiss ang ipapagawa niya sa amin ni Miguel. ‘Yung pang-kilig lang.”

Kumusta katrabaho si direk Joyce?

“Very relaxed, cool. Kasundo agad namin siya. Masaya, nakikipagbiruan siya sa set. Komportable kami ni Miguel katrabaho si direk.”

Ulilang lubos na si Bianca at kasama niya sa bahay ang kanyang 77-year old lola ( mother ng daddy niya) at mga pinsan. Eleven sila lahat sa bahay at apat silang bagets. Apat ang bedrooms at share-share sila,ayon kay Bianca.

Hirap sumagot
Hindi sigurado si Elmo Magalona kung makakapanood siya ng “Hologram Concert” ni Julie Anne San Jose on December 13 sa SM MOA Arena. Baka raw kasi, may conflict sa kanyang schedule.

Pansin ng entertainment writers na kausap ni Elmo sa presscon ng “”#Y”, parang hirap siya sumagot sa mga tanong tungkol sa ex-love team niyang si Julie Anne. Duda ng press, baka raw pinoprotektahan lang ni Elmo ang love team nila ng reel- and- real life partner niyang si Janine Gutierrez.

Whatever! With or without Elmo, tuloy na tuloy ang “Hologram Concert” ni Julie Anne. Ayaw niyang magpaapekto sa intrigang walang suporta si Elmo.

Busy-bisihan naman ang aktor sa promotion ng “#Y” na ipapalabas on December 10 sa mainstream cinemas nationwide. Tampok din sina Coleen Garcia, Chynna Ortaleza, Sophie Albert, Kit Thompson at Slater Young.

comments