Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Lovi pahinga muna sa sexy roles

Lovi pahinga muna sa sexy roles

Lovi Poe

PAHINGA muna si Lovi Poe sa sexy role. Napagod na rin siya, aniya sa presscon ng “Shake, Rattle & Roll XV.” Hindi naman siya pinagbabawalan ni Rocco Nacino pero personal decision niya ’yun, ani Lovi.

Sa presscon, pa-conservative effect ang outfit ni Lovi. Naka-close neck at naka-three-fourths sleeves ang dress ng morenang aktres.

Nakalipat na si Lovi sa ipinagawa niyang bahay at aniya, mga gamit sa bahay ang gusto niyang matanggap na regalo. Binigyan siya ni Rocco ng chair na umiilaw. Hindi pa raw ’yun ang Christmas gift sa kanya ng boyfriend niya.

May Christmas gift na si Lovi kay Rocco. Aniya, it’s something na kinahihiligan nito. “Gusto ko, isusuot niya ’yun parati (laughs),” sambit ni Lovi.

Kasama ang aktres sa “Flight 666” episode ng SRRXV at aniya, nag-effort siya sa kasisigaw. “Physically tiring ang horror movie, pero enjoy naman. Gusto kong gumawa uli ng horror na ako naman ang mananakot. Dito sa “Flight 666,” ako ang tinakot. Takot ako sumakay sa eroplano at doon pa kami nag-shoot,” lahad ni Lovi.

May usapan kaya?
Magaling nang magsalita ng Tagalog si Daniel Matsunaga. Talagang nag-e-effort siyang matuto, kaya tuwang-tuwa ang entertainment press sa Brazilian-Japanese model-aktor-aktoran noong presscon ng “Shake, Rattle & Roll XV.” Kabog ni Daniel ang Montero brothers na sina Troy at KC na ang tagal nang naninirahan dito sa Pilipinas, e, mga Inglisero pa rin.

Kasama si Daniel sa “Flight 666” episode ng SRR XV with Lovi Poe and Matteo Guidicelli. Entry ito sa 2014 Metro Manila Film Festival.

Kalaban ng SRR XV ang “Feng Shui” ni Kris Aquino na na-link kay Daniel. Anang hunk model-aktor-aktoran, nagkatrabaho lang sila ni Kris sa “Kris TV,” kaya raw siguro nagka-ideya ang ibang tao na may “something” sila. Sinuportahan din si Daniel ni Kris noong pumasok ang una sa PBB house at naging grand winner pa.

Ipinagdiinan ni Daniel na friends lang sila ni Kris. Professional lang siya sa kanyang trabaho, masaya and blessed siya dahil may work siya.

Sa isang farm sa Batangas magpa-Pasko si Daniel with his family. Sa Osaka, Japan naman siya magnyu-New Year. Sa Japan din si Kris and her sons, Joshua and Bimby magse-celebrate ng New Year.

May usapan kaya sila ni Kris na magkikita sila sa Japan? “Ah! wala,” sambit ni Daniel. “Ang laki ng Japan. Sa Osaka ako, sa Hokkaido si Kris. Magkalayo ’yun.”

Bulong ng katabi naming writer, “If there’s a will, there’s a way kung talagang gustong magkita nina Kris at Daniel.” Well…

Nag-guest lang
Na-link din kay Kris Aquino ang hunk model na si John Spainhour. Magkasama sila ni Daniel Matsunaga sa “Flight 666” episode ng SRRXV.” Haba naman ng hair ng presidential sister. Dalawang pogi at hunk models ang na-link sa kanya.

Gaya ni Daniel, itinanggi rin ni John ang “isyu-isyuhan” sa kanila ni Kris. Aniya, inimbita lang siya ni Kris mag-guest sa TV show nito. “Not for dinner or anything,” seryosong sabi ni John nang tanungin siya sa presscon ng SRR XV.

Nasa “Flight 666” episode rin ng SRR XV si Yael Yuson, mister ni Karylle. First acting role niya ito at aniya, natutuwa siyang bahagi siya ng SRR. Fan siya ng series nito mula Number 1 hanggang 14. Hindi masabi ni Yael kung tuluy-tuloy na ang pag-aartista niya. Pagkanta pa rin ang priority niya.

Pansin lang ng press, ang bilis magsalita ni Yael. Para siyang nagra-rap at hindi maintindihan ang sinasabi niya. Just curious, gano’n din kaya siyang kabilis magsalita kapag magkausap sila ni Karylle?

* * *
Finale ngayong Sabado ng “Himig ng Pasko,” Christmas special ng GMA7. Tampok sina Regine Velasquez, Ariel Rivera at Julie Anne San Jose. Tutok lang mamaya at 8:30 p.m.

comments